Facebook

Matinong bakuna ang dapat… ‘di iyong kaduda-duda

BINIGYAN na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang coronavirus disease (COVID-19) vaccine na MADE IN CHINA – gawa ng Chinese drug maker – ang Sinovac.

Made in China? Naku po! He…he…he…alam niyo naman ang biro kapag made in China.

Ano pa man, kahit na papapaano ay mayroon nang seguradong bakuna para sa mga Pinoy (daw). Kaysa wala, iyon ba ang tamang kasagutan?

Iyon nga lang, ang bakuna na gawa sa China ay hindi inirerekomendang iturok sa frontliners at senior citizens. Ha! Bakit? Mahinang klase baa ng bakuna na ito? Kayo naman, made in China po ang pinag-uusapan natin dito. So, kung mad in China, alams na.

Sa pagkakaaproba sa EUA ng Sinovac, inaasahan darating sa linggong ito ang bakuna mulang China. Inuulit natin ha, mulang China. – 600,000 doses ng Sinovac vaccines ang ipinangako ng Beijing sa Pilipinas. Sa naturang bilang 100,000 ang para sa mga militar.

Habang sa huling linggo naman ng buwang kasalukuyan, darating ang unang batch ng bakuna mula AstraZeneca. E ang Pfizer vaccine, kalian kaya? Wala pa raw po katiyakan. Marami kasi ang mas naunang umorder.

Hindi ubra ang made In China vaccines sa frontliners (health workers) at seniors dahil…mas mababa ba ang klase nito? Hindi naman daw at sa halip, lumalabas sa interim data ng Phase 3 trials nito na nasa 65.3% (Indonesia) hanggang 91.2% (Turkey) ang efficacy rate nito sa “clinically healthy” na mga tao sa pagitan ng 18-59 taong-gulang.

Sinasabi pang mas mas mababa ang efficacy rate nito kapag ginamit sa mga manggagawang pangkalusugan na exposed sa COVID-19 kaya hindi ito inirerekomenda sa health workers natin.

E kung ganun, ba’t pa papasukin sa bansa ang Sinovac – kung “mahinang” klase naman ito? Para kanino lang ito? Para sa ordionaryong tao? Bakit mas effective ba ito sa mga ordinaryong madla?

Ano ba ang ipinagkaiba ng virus na kinahaharap ng mga health worker sa madla? Mahinang klaseng COVID ba ang araw-araw na kinokonsiderang kalaban ng madla sa tuwing lumalabas sila sa bahay para pumasok sa trabaho?

Naroon na tayo na mas delikado kasi ang kalagayan ng health workers dahil mismong virus ang lumalapit sa kanila sap ag-asikaso sa covid patients sa mga pagamutan pero, huwag naman sana “ipilit” ito sa madla o sa mga sundalo na para bang gawin silang chimpanzee.

‘Ika nga, kung mahinang klase ang Sinovac kaya hindi ubra sa health workers at seniors, aba’y huwag nang gamitin ito sa iba pang sector – wala kasi po tayong nakikitang pagkaiba ng ordinaryong tao o madla sa mga health workers natin – pare-pareho tayong tao na araw-araw kumakalaban sa COVID na walang pinipiling dadapuan.

Magpapapasok na rin lang tayo ng vaccines sa bansa, ba’t hindi pa piliin iyong hindi pagdududahan ang effectivity (quality) nito? Kalusugan at buhay ng lahat ang nakataya sa pakikipaglaban sa COVID kaya, ang dapat papasukin ay iyong matinong bakuna.

The post Matinong bakuna ang dapat… ‘di iyong kaduda-duda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Matinong bakuna ang dapat… ‘di iyong kaduda-duda Matinong bakuna ang dapat… ‘di iyong kaduda-duda Reviewed by misfitgympal on Pebrero 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.