Facebook

Meron na ba?: ‘NPA ‘wag n’yo galawin ang bakuna kontra Covid-19’

BINALAAN ni Pangulong Rody Duterte ang komunistang rebelde, New People’s Army (NPA), na huwag gagalawin o haharangin ang mga bakuna kontra Covid-19 na ipamamahagi hanggang sa mga liblib na lugar sa bansa.

Sa kanyang lingguhang ‘public address’ Lunes ng gabi, Pebrero 8, kasama ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) sa Malakanyang, sinabi ni Duterte: “I am appealing to the Communist Party of the Philippines. The CPP must guarantee that the vaccines in the course of being transported to areas where there are no city health officers or medical persons, na ‘wag ninyo galawin ang medisina, allow the vaccines to be transported freely and safely.” Dahil ang bakunang ito, aniya, ay para sa mga Pinoy.

“As I have said, the money belongs to the Filipino people. The credit goes to no one. Sa inyo ito mga taong Filipino. So natural lang na kayong mga members ng CPP and the allied, NPA, NDF or whatever, kindly observe the rules of humanity.”

Reak naman ng mga kritiko ng Pangulo: “May bakuna na ba? Anong aagawin? Anong haharangin? Wala pa namang bakuna! Pinagloloko nyo lang kami,” sabi ng isang netizen na si Cleveria.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, handang handa na ang Pilipinas, 100 percent ready, para sa Covid-19 vaccination drive na inaasahan, aniya, magsisimula sa Pebrero 15 (Lunes). Wish ko lang! Sana ‘di ito drawing…

“Ang sabi po ng COVAX Facility sa kanilang liham, it will be made available, it will come to us by mid February. Kaya nga po ang sinasabi ko, handang-handa na po tayo by mid February or February 15,” Roque said.

Inanunsyo rin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang military at mga pulis ay handang handa na para bantayan ang pag-deliver ng mga bakuna. Bakit? May banta bang aagawin ito? Wheee…

Sinabi noon ni Galvez na nasa 117,000 doses ng Covid-19 vaccines na Pfizer ang unang darating sa bansa.

Susunod dito ang 5,500,000 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccines na darating sa first and second quarter ng taon.

Uunahin daw na tuturukan ang frontliners na health workers, tapos ang uniformed personnel, economic frontliners, at panghuli ang volume.

Ang malaking problema lang rito ay kung may magpapabakuna?

Sabi ng netizens, magpapabakuna lang sila kung makikita nilang maunang tuturukan si Pangulong Duterte at ang mga poliko. Aray ko!

Nauna nang sinabi ni Roque na hindi magpapakuna sa harap ng publiko si Duterte dahil sa puwet ito magpapasaksak. Ngek!

Sabi naman ni Vice President Leni Robredo, very popular si President Duterte kaya dapat talaga itong maunang magpaturok para magkaroon ng kumpiyansa ang mamamayan sa bakuna. Pero kung ayaw raw talaga ni Duterte magpabakuna, siya nalang ang mauuna.

Sabi naman ng mga pari, nakahanda silang maunang magpaturok para magkaroon ng tiwala ang mamamayan na magpabakuna narin.

May ilang politiko na umeepal. Sila na raw ang maunang magpaturok. Sagot naman ng netizens: “Hindi ka namin kailangan!” Hahaha…

Anyway, wait tayo sa Peb. 15 kung may bakuna na nga!

The post Meron na ba?: ‘NPA ‘wag n’yo galawin ang bakuna kontra Covid-19’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Meron na ba?: ‘NPA ‘wag n’yo galawin ang bakuna kontra Covid-19’ Meron na ba?: ‘NPA ‘wag n’yo galawin ang bakuna kontra Covid-19’ Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.