IPINAALALA ni Senator Christopher “Bong” Go sa cold storage facilities at evaluators na tiyakin ang maayos na paghawak nila sa COVID-19 vaccines na aniya’y may temperature requirements.
“Sa mga evaluators ng cold storage, siguraduhin n’yo pong 100% na protektado po ang ating mga vaccine dahil po pinaghirapan natin makuha iyan, dahil ngayon po ay nag-aagawan po ng supply ng vaccine (sa buong mundo),” ayon kay Sen. Go.
“So, siguraduhin nating walang masayang o walang masira o walang mapanis na vaccine na ‘yan. Dahil kapag sira ‘yan, eh kawawa naman po ‘yung Pilipino na matuturukan ng sira na vaccine,” idinagdag niya.
Sinabi ni Go na ang iba’t ibang vaccines ay may iba-iba ring temperature requirements.
“Katulad noong isa, negative 70 degrees po ‘yung sa Pfizer. Sa Moderna naman, negative 20. So dapat protektado po ang ating mga vaccine through these cold storages,” ani Go.
“So dapat, 100% ‘yung paglalagyan, protektado po ‘yung ating vaccine na hindi po masira,” sabi pa ng mambabatas.
Nauna rito, ipinagmalaki ng Department of Health na ang bansa ay may sapat na cold storage facilities na kakayanin ang temperature requirements ng iba’t ibang bakuna, ang ilan ay nasuri na ng mga awtoridad.
Ang Zuellig Pharma facility ay kayang mag-accommodate ng 650 million doses ng vaccines na may requirement na 2-8 degrees centigrade storage temperature; 40 million doses ng vaccines na kailangan ng negative 20 degrees centigrade at 6.5 million doses na nangangaillangan ng negative 70 hanggang negative 80 degrees centigrade.
Ang nasabing kompanya ay mayroon din strategically positioned cold storage facilities sa Cebu at Davao cities. (PFT Team)
The post Bong Go: COVID-19 vaccines sa storage, tiyaking 100% protektado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: