Facebook

Pagpapaliban ng child car seat law, suportado ni Bong Go

SINUSUPORTAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapaliban ng implementasyon ng Republic Act No. 11229 o ng Child Safety in Motor Vehicles Act dahil hirap pa rin ang sitwasyon ng mga Filipino sa COVID-19 pandemic.”

Sa public hearing ng Senate committee on public services, sinabi ni Go na hindi dapat dagdagan ang bigat na dinadala ng mga ordinaryong pamilyang Filipino sa harap ng pandemya at bagsak na ekonomiya.

“I would like to stress that it is only proper to defer the implementation of RA No. 11229 until we have weathered the pandemic,” ani Go sa talumpati.

Ipinunto niya na ang Department of Transportation, Philippine Information Agency, Department of Education at Department of Health ay hindi pa rin makapagsagawa ng Information, Education, at Communication (IEC) Campaign bunsod na rin ng kasalukuyang public health crisis.

“Ordinary Filipino families deserve to be properly educated and informed before we can impose an added burden on them,” ani Go.

“I believe that this is part and parcel of due process. Our countrymen deserve to make the necessary preparations and to understand the technicalities of the law. It will be ironic to force the implementation of the law even if there is a lot of confusion on how it is to be applied,” idinagdag niya.

Nilinaw ng senador na hindi naman malalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga bata sa pagpapaliban ng nasabing batas sapagkat ibinabawal pa rin naman ang paglabas ng kabataan, batay sa kasalukuyang umiiral na health protocols.

“Paigtingin na lang muna natin ang ating education campaign dahil darating naman po ang panahon na dapat itong i-implement po — itong batas na ito,” sabi ni Go.

Ani Go, hanggang hindi pa normal ang panahon, gamitin na lang ito upang ipaalam sa publiko kung anong tulong sa safety ng mga bata ang nasa batas na ito.

Pinuri ni Go si Pangulong Duterte at mga kapwa mambabatas sa pagsuporta sa pagpapaliban muna ng implementasyon ng batas.

“Ang sabi ng Pangulo, huwag ngayon dahil nahihirapan— naghihirap na ang mga kababayan natin. Wala ngang pambili ng pagkain ‘yung iba diyan, tapos ngayon i-oobliga pa natin na bumili nitong car seat. Not at this time dahil hirap po ang ating mga kababayan,” giit ng senador. (PFT Team)

The post Pagpapaliban ng child car seat law, suportado ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpapaliban ng child car seat law, suportado ni Bong Go Pagpapaliban ng child car seat law, suportado ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.