Facebook

Mga beerjoints sa Sun Valley, Paranaque, insulto sa anti-Covid-19 drive ni Mayor Olivarez

SA kabila ng pagsusumikap ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez na ilayo sa peligo na mahawahan ng Covid-19 virus ang kanyang mga constituents at sundin ang mga nakatadhanang protocols ng IATF, ilang tarantadong negosyante sa area ng SUN VALLEY ang tahasang bumabalewa sa efforts na mabunying alkalde.

Sangkaterba pong “watering holes” o inuman ang kataka-takang BIGLANG NAGSULPUTAN sa naturang lugar.

Kung sa mga ibang negosyo ay istritong ipinapatupad ang minimum capacity sa loob ng mga establisimiyento ng lungsod, kabaligtaran ang mga inumang ito sa SUN VALLEY.

Di na nga nasusunod ang social distancing at iba pang preventive measures dahil nasa ilalim pa nga ng GCQ ang Metro Manila, tila malaya pang nakakainom ng alak ang karamihan sa mga kabataang menor de edad.

Sino nga ba ang barangay kapitan ng Sun Valley?

Pawang barangay permits nga lamang ba ang hawak ng mga establishment owners na ito kung kaya’t nakapagbukas at patuloy na nakakapag-operate ang mga ganitong inuman na negosyo sa kabila ng pandemya?

Para kasi sa atin, hinding-hindi papayagan ng idol nating si Atty. Melanie Malaya, hepe ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Paranque City ang mga ganitong katarantaduhan.

“Watering holes” o inuman during pandemic time?

What the fuck!

Pangalawa, assuming for the sake of argument na nakalusot sa tanggapan ni Atty. Malaya ang mga ganitong negosyo sa Sun Valley, katwiran na ba ito para hindi sitahin ng kapulisan ang mga beerjoints na ito diyan sa Sun Valley na alam naman nating sangkaterba ang health protocol violations.

Posible kasing nag-applay ng lisensiya sa BPLO Paranaque ang mga ito as “eatery” o karinderya na ginagawang beerhouses na rin sa gabi.

“Yan ang mga posibleng palusot na ginamit at hindi napansin ng mga trusted people ni Atty. Malaya.

Pero ano man ang milagro sa likod ng pagsusulputang parang mga kabute ng mga beerjoints na ito diyan sa Sun Valley ay malaking concern talaga ni Mayor Edwin Olivarez.

Siya kasi ang tatamaan sakali mang magkaroon ng spike sa bilang ng mga mahahawahan ng Covid-19 sa kanyang siyudad.
Lalo na’t ganyang mga crowded na “inuman”!

Si Mayor Edwin din po kasi ang chairman ng lahat ng mga alkalde ng Metro Manila o ng Metro Manila Commission na ipinaglalabang mapanatili ang NCR sa present status nito na GCQ.

Prevention move upang ‘wag nang maragdagan pa ang bilang ng nagkakaroon ng virus lalo na ngayong mahigpit na binabantayan ng mga health authorities ang iba pang Covid variants.

“Wag na po tayong magpatumpik-tumpik pa Kuya Edwin, ipasara na po nating lahat ang mga buwisit na negosyong inuman na iyan sa Sun Valley.

Wag po tayong magpakampante!

Aasahan po ng inyong abang lingkod Mayor Olivarez ang inyong mabilis na aksyon hinggil sa isyung ito.

Marami na pong mga magulang ang nababahala at nakukumsumi sa mga beerhouses na iyan diyan sa Sun Valley na kinahuhumalingan ng kanilang mga anak.

Kakarampot naman pong buwis kung meron man ang naiaambag ng mga beerhouses na iyan sa siyudad ng Paranaque.

Gabutil na tulong kumpara sa gabundok na problemang idinudulot ng mga punyetang inumang ‘yan sa mga tao at sa mahal na lungsod natin.

Mabuhay kay Kuya Edwin Olivarez and keep up the great job!

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Mga beerjoints sa Sun Valley, Paranaque, insulto sa anti-Covid-19 drive ni Mayor Olivarez appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga beerjoints sa Sun Valley, Paranaque, insulto sa anti-Covid-19 drive ni Mayor Olivarez Mga beerjoints sa Sun Valley, Paranaque, insulto sa anti-Covid-19 drive ni Mayor Olivarez Reviewed by misfitgympal on Pebrero 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.