Facebook

Mga dating opisyal ng DILG at BFP pinakakasuhan ng COA

NAIS pakasuhan ng Commission on Audit (COA) ang mga dating opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire Protection (BFP) ng kasong paglabag sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” dahil umano sa paglabag sa batas hinggil sa kontrata sa pagbili ng 184 fire trucks at iba pang gamit ng bumbero na nagkakahalaga ng mahigit P1.7 Bilyon.
Ayon sa 68 pahinang report ng COA pinakakasuhan nito sina dating DILG Secretary Jose D. Lina Jr., Atty. Marius P. Corpus dating DILG Undersecretary, Gen. Francisco Senot BFP fire chief, Senior Supt. Jose Collado, Senior Supt. Eduardo Lagumbay, Atty. Agripino Morga, DILG Representative, Senior Inspector Edwin Tabaranza, Senior Supt. Nimfa Cuartel, Supt. Leonard Consolacion, Chief Inspector Joseph Bacareza, Engr. Arsenio Rodriguez Jr., Senior Fire Officer 4 Aniceto Herrera Jr., Fire Officer 2 Renato Plantado, Senior Insp. Mario Cruz, Senior Insp. Renato Molina, Ruben Bearis Jr, Ludivina Quinto, Supt. Florante Cruz, Supt. Arturo Ofreio, Teofista Anos, Anos Research Manufaturing (ARM) owner, Ma. Estrella Anos-Garcia, ARM General Manager, Chief Supt. Enrique Linsangan, Chief Insp. Henry Mojica, Chief Insp. Jerry Candido, Atty. Marino Bermudez, Engr. Nelson Se, Lilibeth Simangan, Reynaldo Quirante, Umalab Tadina, Elizabeth Paquinto, Ma. Villa Miranda, chief Supt. Rolando Bandilla, Inspector Stephen Jardeleza, Oscar Villegas, Globert Paul Garcia, Leroy Enriquez, Chief Inspector Jhufel Brananola, Inspector Benjamin Ventajar, Ruel Geronimo, Zaide Eloy, Raul Flores Jr., Leonardo SAbellina Jr.
Sinabi pa sa COA report inirekomenda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naturang opisyal dahil umano sa paglabag sa Laws, Rules and Regulations ng kaukulang provision ng RA No. 9184 na mas kilala sa “Government Procurement Reform Act” at ang kanyang Implementing Rules and Regulation and Executives Order No. 262 dahil sa pagkuha ng 194 fire truck at iba pang gamit ng bumbero na aabot sa halagang P1,712,519,864.00.
Sinabi pa sa COA report na nilabag din umano ng mga naturang opisyal ang section 4 (6) ng Presidential Decreee No. 1445 at ang COA Memorandum
Nabatid pa sa COA report na dahil umano sa mga naturang paglabag inirerekomenda ng Commission on Audit na ang mga naturang opisyal at indibidwal na kasuhan ang mga ito dahil sa paglabag sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.
Idinagdag pa sa COA report na ang resulta ng audit ay base sa procurement ng fire trucks nitong nakalipas na 2002 at 2006-2010, cold fire concentrate nitong 2005 at 2007 at fire hose nozzles nitong nakalipas na 2005 ng Bureau of Fire Protection (BFP). (Boy Celario)

The post Mga dating opisyal ng DILG at BFP pinakakasuhan ng COA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga dating opisyal ng DILG at BFP pinakakasuhan ng COA Mga dating opisyal ng DILG at BFP pinakakasuhan ng COA Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.