Facebook

Na-bake and Lakers!

APAT  na sunod-sunod na talo. Tila nasunog sa oven. Panalo lang ng isa sa huling limang laro. Ano ba yan, Lakers?

Huling W ay kontra pa sa Minnesota, 112-94 noong ika-17 ng buwang kasalukuyan. Tapos kinapos na vsBrooklyn, Miami, Washington at Utah.

Siyempre sasabihin wala si Anthony Davis sanhi ng injury. Sinundan pa ni Dennis Schoder dahil naman sa healthprotocol. Dalawa kaagad yan na starter. Pero dapat mag-adjust. Hindi uubrang matalo pa. Kakalabanin pa nila ang Portland, Golden State at Phoenix.

Nakadikit na sa kanila sa standings ang Suns at Blazers na dalawa sa kanilang tatlong makaharap bago ang All-Star break sa Marso.

May ginagawa na silang pagbabago sa line-up. Na-waive na si Quinn Cook kaya dalawa na bakante sa roster.

Mas matindi pangangailangan nila sa gitna. Posible raw si DeMarcus Cousins ang dating Laker na na-buyout na ng Houston. Maaari rin si Hasan Whiteside ng Sacramento kung irelease at pumayag sa veteran minimum. Available pa si Pau Gasol.

May balita rin na hinahabol ni GM Rob Pelinka si Trevor Ariza para sa depensa.

Ayon kay Pepeng Kirat hindi na dapat hantayin ang trade deadline. Now na raw sana. Ngayon na nga naman ang need eh.Ibayong coaching strategy din para kay Coach Frank Vogel at staff. Siguro mas dagdagan ng minuto sina Markieff Morris at Talen Horton-Tucker pero dapat mas matindi ang kanilang effort sa pagbabantay da katunggali. I-correct din ang mga mismatch sa mga laban lalo na sa mga may dominanteng sentro. Mainam din kung less dependent kay LeBron James.

Tignan natin kung may maisakatuparan sa ating mga mungkahi simula sa paghaharap nila ng Trailblazers ngayong araw.

***

Kung ang DILG at MMDA ang mga opisyal o reperi sa isang game ay bias na bias sila. Kasi wala silang order o pito na ipatanggal ang nagkalat na mga tarp ng butangera sa mga pampublikong lugar sa buong bansa lalo na sa Kamaynilaan.

Halatang-halata naman na may kinikilingan sila. Hoy, swelduhan lang kayo ng mga mamamayan at hindi ng bakulaw at bangaw na mga taga-Davao.

Bawal yan!. Foul o violation yan na maliwanag. Hindi pwede basta magkabit ng mga poster sa mga overpass o pedestrian walkway. Kailangan ang permit sa LGU.

May ilang mayor na nagpa-press release na ipapababa nila ang mga naturang streamer pero tingnan kung tototohanin.

Dapat nga kasuhan ang mga may pakana ng walang kwentang gimik na ganire sa panahon pa naman ng pandemya.

Isipin ninyo kung ang pondo ginamit na lamang sa ayuda sa mga labis ng apektado ng COVID19 at mga kalamidad ay marami pang natuwa sa kanila.

Biglang naaalala ni Ka Berong nang ginulpi nina Robert Jaworski at Big Boy Reynoso ang mga ref na sina Jose Obias at Eriberto Cruz noong 1971 dahil sa suspetsa ng pandaraya sa laro.

Huwag naman sana umabot sa ganoon kaya umayos kayo mga taong-gobyerno.

The post Na-bake and Lakers! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Na-bake and Lakers! Na-bake and Lakers! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.