Facebook

NBI kumilos na sa manipulasyon ng suplay ng baboy

PINAKIKILOS na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang Criminal Intelligence Investigation Division (CRID) para habulin ang mga indibidwal o grupo na responsible sa pag-imbak at pagmanipula sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang imbestigasyon ay pangungunahan ni Sixto Comia bilang division chief ang CRID .
Ang pag-iimbestiga ng NBI ay may kaugnayan sa gitna ng kontrobersya sa umano’y manipulasyon sa presyo ng baboy.
Ipinag-utos naman ni NBI Director Eric Distor na agad isumite kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang progress report sa isinagawang imbestigasyon at case buil up ng CRID.
Inatasan ang DOJ at NBI na imbestigahan ang umano’y manipulasyon sa suplay ng karne ng baboy sa bansa.
Ngunit una nang iginiit ni Nicanor Briones, Vice President ng Pork Producers, na masasayang lang ang panahon ng DOJ at NBI dahil wala naman aniyang nangyayaring manipulasyon kundi smuggling at ang hindi hindi makontrol na ASF ang dahilan ng kawalan ng suplay kaya nagtataasan ang presyo ng baboy at manok sa merkado. (Jocelyn Domenden)

The post NBI kumilos na sa manipulasyon ng suplay ng baboy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NBI kumilos na sa manipulasyon ng suplay ng baboy NBI kumilos na sa manipulasyon ng suplay ng baboy Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.