SA lingguhang Zoom forum ng National Press Club (NPC) nitong Biyernes ng umaga, ibinalita ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang naging programa ng ahensiya.
Una ay ang pagbibigay nito ng 3 ektaryang lupang sakahahan sa bawat Agriculture graduates sa buong bansa. 44 Agri graduates na aniya ang nabiyayaan sa Cagayan at sa Busuanga, Palawan.
Mayroon pa aniyang 230,000 ektaryang agricultural lands ang gobierno na nakabinbin lamang na inilalaan nila sa mga magsisipagtapos ng Agriculture.
Ginawa ito ng DAR upang mahikayat ang mga kabataan na kumuha ng kursong Agriculture lalo sa panahon ngayon na kinakapos na sa suplay ng pagkain ang Pilipinas.
Sabi ni Sec. Castriciones, nagpapautang din sila ng hanggang P50K sa mga magsasaka para sa pag-unlad ng sakahan nito.
Binanggit ng kalihim ang dating football area sa Tondo na ginawang gulayan ng mga pari.
Iminungkahi natin kay Sec. Castriciones na gawin naring gulayan ang dating basurahan na Smokey Mountain sa Tondo. Kakausapin aniya si Yorme Isko!
Bukod dito, ibinalita ng kalihim ang pagkakaresolba sa 20,000 to 30,000 cases ng mga magsasaka na pinabayaan ng mga nakaraang opisyal ng DAR. Kaya wala na raw nagraraling magsasaka sa opisina ng DAR sa Quezon City kasi mga land owner na ito ngayon. Ayos!
Very good, Sec. Castriciones. Sana di ka na mapalitan sa DAR kahit magpalit pa ng administrasyon sa 2022 para always happy ang mga magsasaka.
***
Naging mahalaga ang pala ang papel ng Philippine Air Lines (PAL) dito sa panahon ng pandemya sa kabila ng malaki nilang pagkalugi.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, ang PAL ang umako sa pagdala sa bansa ng napakasensitibong Covid-19 vaccines mula sa iba’t ibang bansa. Sila rin ang maglilipad nito sa iba’t ibang probinsiya ng Pilipinas.
Naging mahigpit rin ang PAL sa pagpatupad ng protocols sa mga pasahero at kanilang crews. Lahat ng pasahero naka-face mask, face shield at dapat may health certificate. Ang mga crew naman ay kumpleto sa PPEs.
Before and after ng flights dini-disinfect ang eroplano para matiyak na walang virus sa loob ng eroplano.
Malungkot na ibinalita ni Villaluna na dahil sa pandemic, mula sa dating 260 to 300 flights a day ay 90 flights nalang sila ngayon. Ito marahil ang dahilan kaya nagbawas ng higit 2,000 empleyado ang airlines.
Samantala ibinalita ni Villaluna na mayroon na silang swab test center sa 540 Padre Faura St. corner Adritico, Malate, Manila. P3000 ang swab test at P700 ang Rapid test.
***
Buwisit na buwisit naman si Atty. Ariel Inton, ang founder ng Lawyers for Commuters and Protection, sa isyu ng Child Car Seat Law at Private Motor Vehicles Inspection Center (PMVIC).
Ito raw ay isang maliwanag na raket! Kaya kinasuhan nila sa Ombudsman ang isang opisyal sa DoTr na si Usec. Tuazon at iba pa na mga may pakana sa kalokohang ito!
Ang pagpatupad sa Child Car Seat Law at MVIS ay pinasuspinde na ni Pangulong Rody Duterte.
The post Good news sa Agri graduates, at ang serbisyong ng PAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: