FLYERS, streamers and calendars with words “Run Sara Run for President 2022 floods some streets in Quezon City and there was even an activity in Davao De Oro involving huge streamers with the message “RUN SARA RUN”.
Kung salita ang pagbabasehan natin, tutol si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang pangulo ng bansa ang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ito ng Pangulo sa inauguration ng Skyway 3 kamakailan.
Maging si Sara mismo ay nagsabing wala sa hinagap at pangarap nitong maging Pangulo ng Pilipinas.
“Nagbiro pa nga ang Mayora ng Davao City na puwede pa siguro sa taong 2034 or less than 12 years from now.
Pero kung body language naman ng mga masusugid na taga-suporta ng pamilya Duterte ang pag-uusapan, tila di na sila makakapaghintay pa ng isang dosenang taon at isasabak na nila ang Iron Lady from the South ngayong 2022 presidential elections.
Sa latest Pulse Asia survey, Sara Duterte emerged as the topnotcher sa mga napupusuang tumakbo ng mga Pinoy para sa nalalapit na halalan.
Sara got 28 percent of vote preference o kung iko-convert sa bilang ng boto ay aabot ng kulang kulang 20 million votes.
Mas marami pa sa botong nakuha ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte noong manalo ito ‘nung 2016 presidential elections.
Makailan beses na ring pinatunayan ni Inday Sara ang kanyang “clout” among our lawmakers.
Dalawang beses nagkaroon ng kudeta sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, una nang sipain bilang Speaker of the House si Cong. Pantaleon Alvarez at pinalitan ni dating Pangulo at Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.
Naulit ang pagpapatalsik sa liderato sa speakership ng Kamara nang magkapit-tuko si dating House Speaker Alan Peter Cayetano at hindi ginalang ang gentleman’s agreement nito kay Cong. Lord Allan para sa isang term-sharing scheme.
Sa dalawang pagbabago sa liderato ng House of Representatives, pumailanglang ang pangalan at impluwensiya ng Davao City Mayor sa tinaguriang swing vote para sa susuportahang speaker ng Kamara.
Nanaig ang paksyong lantarang sinuportahan ni Inday Sara.
Not once but twice indicating na sadyang malakas ang hatak ni Sara Duterte sa hanay ng mga mambabatas.
Pinakikinggan ito at iginagalang hindi dahil presidential daughter ang Davao City Mayor kundi may sariling tagasunod at supporters si Sara sa maraming bilang ng mga kongresista.
Sa larangan ng pulitika, napakalaking bentahe kung may suporta kang makukuha sa mga pulitikong may kanya-kanyang bailiwick ng boto na mag-eindorso sa iyo at yun ang mayroon si Inday Sara Duterte.
Isa rin si Sara sa pinaniniwalaang suportado ng sekta ng relihiyon not to mention the Iglesia Ni Cristo (INC), El Shaddai ni Mike Velarde at Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy na kilalang loyal supporter ni Tatay Digong at ng pamilya Duterte.
Si Sara din ang sinusuportahan ng malalaking negosyante ng bansa sa pangunguna ni SMC top honcho Ramon Ang at ng Manny Pangilinan conglomerate.
Dalawa sa mga higanteng political financier na sinasabing mga virtual “king makers’!
Kung ang mga inilahad nating factors ay kulang pa para patunayang llamadong llamado ang Davao City mayor sa 2022 presidential derby, idagdag pa natin dito ang napakataas na satisfaction rating ng ama nitong si Pangulong Duterte sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang ama ng bansa.
Ang “continuity factor” sa kalidad at uri ng umiiral na liderato ng Malacanang ay isa pang hindi mapapasubaliang rason para overwhelmingly ay maluklok bilang ika-17 Pangulo ng bansa si Sara Duterte-Carpio kahalili ng kanyang ama.
The only question that remains uncertain ay kung sino sa malalapit na kaalyadong pulitiko ng mga Duterte ang magiging runningmate ni Inday Sara.
‘Wag na sanang pairalin pa ang tigas ng ulo ng oposisyong Liberal Party (LP) dahil lalabas lamang silang kahiya-hiya sakaling lumaban ng sabayan sa rampaging popularity ni Inday Sara.
Kung ‘yung Otso Derecho noong 2019 elections ng oposisyon ay sa inidoro dumerecho, mas lalo malaking kahihiyan ang sasapitin ng opposition ticket na (LP) ngayong 2022 presidential & local elections.
Magkaroon naman kayo at magtira ng kahit konting hiya para sa inyong mga anak.
Piece of advice sa oposisyon,matuto naman kayong madala at wag magpadala sa sulsol ng iba.
In the end kasi, mapapahiya lamang ang pamilya ng kandidato nyo para maging Pangulo ng Pilipinas!
Not against Inday Sara Duterte!
No match po talaga saang anggulo mo man silipin!
No contest ika nga!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post No contest appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: