PATIENCE is not simply the ability to wait—it’s how we behave while we’re waiting. — Writer Joyce Meyer
KUNG ako ang tatanungin, pabor ako sa matagal na pag-roll out ng bakuna kontra Covid-19 at ito’y sa mga kadahilanang kapag nailahad ko sa inyo ay maaari kayong sumang-ayon.
Bago muna ang lahat ay ibibigay ko sa inyo ang mga situwasyon at kaganapan na nagpapainit ng isyu tungkol sa pagkuha o pagbili natin ng bakuna.
Una, sadyang hindi sapat ang pondo para sa pagbili ng mga bakuna dahil hindi naman ito libre at hindi rin tayo puwedeng dumepende sa donasyon na lang.
Pangalawa, aminin nating negosyo din ang nagbunsod sa pag-develop ng bakuna kaya tiyak na mauunang mabigyan yaong mga bansang may pera para bumili nito.
Ikatlo, marami sa ating mga Pinoy ang duda o nagdadalawang-isip kung magpapaturok ng bakuna at dahil na rin ito sa mga bali-balitang may side effect ang mga ito at may kuwestyon din sa galing nito para labanan ang Covid-19.
Idagdag pa rito ang madaliang pag-develop ng bakuna kaya kahit ang mga eksperto at siyentista ay hindi makapagbibigay ng katiyakan na ang kanilang nalikha anti-viral drug ay epektibo at ligtas sa matuturukan nito.
Kaya nga ditto papasok ang ating katuwiran na tama ang ating pamahalaan, partikular na ang ating magiting na vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., na maghintay at huwag magmadali sa pagbili ng bakuna para sa proteksyopn ng ating mahigit 100 milyong mamamayan.
‘Ika nga, mas mainam na mag ‘wait-and-see’ . . . kumbaga mas makakabuti kung magmamatiyag muna tayo at titignan ang mga bansang nagsimula na ng turukan ng bakuna para makita kalaunan kung ano ang epekto nito, kung may side-effect nga ba at kung ito’y epektibo at ligtas para sa kanilang populasyon.
Sa huli mas mainam talagang mag-wait-and-see kay sa mag-wait-and-die. Hindi nga bakung magpapaturok tayo agad sa m inadaling gamot ay maaaring ikamatay din natin ito sa halip na maproteksyunan laban sa Covid-19.
Kuru-kuro lang po namin ito . . .
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Wait-and-See o Wait-and-Die? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: