WALA talagang pinipiling tutulungang kapwa si Sen. Bong Go.
Sa Bobon, Northern Samar, umaabot sa 118 dating rebelde at kani-kanilang pamilya ang binigyan ng ayuda ng tanggapan ni Sen. Go sa isinagawang relief activity sa Brgy. Calantiao Gym.
Sa kanyang video message, tiniyak ni Go sa mga benepisyaryo na siya at si Pangulong Rodrigo Duterte ay palaging nakahandang tumulong sa mga nais magsimula ng bagong buhay sa tulong ng gobyerno.
Umapela si Go ng pagkakaisa aty pagkakasunod sa lahat ng Filipino, anuman ang political na paniniwala, lalo ngayong panahon ng pandemya.
“Kung ano ang aking maitutulong sa inyo at upang maging tulay n’yo rin kay Presidente Duterte….tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya,” ayon kay Go.
“Basta tayo, Pilipino tayo. Magsama-sama tayo, lalo na sa panahon ng krisis. Kailangan magkaisa tayo. Sino lang ba ang magtutulungan kung hindi kapwa natin Pilipino?” dagdag ng senador.
Muling ipinaalala ni Go na sumunod ang bawat isa sa health and safety protocols upang makaiwas sa COVID-19.
“Sumunod lang po tayo sa mga paalala ng gobyerno para makabalik na tayo sa normal na pamumuhay kung saan pwede po nating mayakap ang ating kapwa Filipino,” aniya.
Sinabi niya sa mga dating rebelde na para sa kanilang health concerns at medical assistance needs, pumunta lamang sila sa Malasakit Center sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman.
Nangako din ang senador na nakahanda siya at ang administrasyon na tulungan ang nais magkaroon ng bagong buhay para maging produktibong kasapi ng ating lipunan.
“Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano man kabutihan ang pwede nating gawin sa ating kapwa, gawin na natin ngayon. Basta kami ni Presidente Duterte, patuloy kami na magseserbisyo sa inyo. Ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” ayon sa mambabatas. (PFT Team)
The post Mga dating rebelde, pamilya Bobon, Northern Samar, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: