Facebook

Price ceiling sa pork at chicken products sa NCR, pinuri ni Bong Go

PINURI at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalabas ng Executive Order No. 124 na pipigil sa pagtaas ng presyo ng produktong baboy at manok.

Ang EO No. 124 ay inilabas ng Pangulo dahil na rin sa apela ni Sen. Go at rekomendasyon ng Department of Agriculture.

Ang price ceiling ay ipatutupad sa National Capital Region sa loob ng 60 araw.

“Huwag po natin hayaan na may mamamatay sa gutom. Kaya hinihikayat ko ang mga kasamahan ko sa gobyerno na gawan ng paraan at magtulungan para sa kapakanan ng mga Pilipinong hirap na hirap na talaga. Pagaanin natin ang kanilang pinapasan at huwag natin silang mas pahirapan pa,” ani Go.

“Kinokomendahan ko po ang pag-issue ng Pangulo ng EO na ito upang itigil ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain. Kailangan natin itong solusyonan lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho,” aniya.

“Wala na nga pambili ng pagkain ang mga kababayan natin, tataas pa ang presyo. Mas lalong mahihirapan ang ordinaryong Pilipino,” idinagdag ng senador.

Sa ilalim ng EO, epektibo ang price ceiling hanggang 60 araw, maliban na lamang kung palawigin ng Pangulo, sa rekomendasyon ng DA.

Tiniyak naman ng Office of the Executive Secretary na ang price ceiling ay hindi magreresulta sa pagkalugi ng meat traders dahil ang reduction rates ay hindi na hihigit sa 25% ng prevailing market price. Bukod dito, ang break-even point sa bentahan ng baboy ay nasa P105.00 lamang.

Suportado rin ng National Agriculture and Fisheries Council ang price ceiling.

Mapapagaan nito ang adverse impact ng COVID-19 at titiyak na ang magiging abot-kaya pa rin ng publiko ang baboy at manok.

Ayon kay Go, maiiwasan din nito ang pagsasamantala sa presyo ng mga ganid na negosyante. (PFT Team)

The post Price ceiling sa pork at chicken products sa NCR, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Price ceiling sa pork at chicken products sa NCR, pinuri ni Bong Go Price ceiling sa pork at chicken products sa NCR, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Enero 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.