Facebook

Dagdag pondo sa Toledo City General Hospital, isusulong ni Sen. Go

TINIYAK ni Senate Committee on Health Senator Christopher “Bong” Go na ilalapit niya sa Department of Health ang napag-usapan nila ni Toledo city Mayor Marjorie Perales na kailangan nila ng dagdag na pondo para sa Toledo City General Hospital para sa mga mahihirap na kababayan doon.

Ayon kay Go, ipaparating niya sa DOH na kakausapin niya ang ahensya para mabigyan ng pondo ang city hospital sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients Program

Tiniyak din ni Go sa mga taga-Toledo na oras na dumating ang bakuna laban sa COVID-19, hindi nila pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mahihirap at vulnerable sector kabilang ang mga frontliners.

Kaugnay nito, umabot sa 248 na pamilya ang nabigyan ng tulong ni Go na kinabibilangan ng mga food packs, vitamins, face masks at face shields.

Sinabi ni Go na nabalitaan niyang nagkaroon ng landslide sa lugar kaya agad siyang nagpasyang magdala ng tulong sa mga apektadong residente.

Bukod sa food packs, ilang residente din ang masuwerteng nabigyan ng libreng bisekleta, sapatos at computer tablet para sa mga mag-aaral.

Pinayuhan ni Go ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral para mabigyan ng kaligayahan ang kanilang mga magulang at para mayroon silang puhunan sa buhay.

Samantala, kasama rin sa lugar ang mga kinatawan ng DSWD para mamigay ng dagdag na tulong, DTI para sa livelihood assistance at TESDA para sa scholarship program. (Mylene Alfonso)

The post Dagdag pondo sa Toledo City General Hospital, isusulong ni Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dagdag pondo sa Toledo City General Hospital, isusulong ni Sen. Go Dagdag pondo sa Toledo City General Hospital, isusulong ni Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Enero 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.