DUMULOG ang tatlong public school district supervisors ng Department of Education (DepEd) sa Taguig City-Pateros sa tanggapan ng Ombudsman nitong Miyerkoles upang maghain ng reklamong admimistratibo sa isa nilang kasamahan sa trabaho.
Sa 25-pahinang reklamo ng tatlong complainants na sina sina Ellery G. Quinta, Teodoro Melegrito at Paz A. Quilinguin, kinilala ang respondent na si Marcial Sison, public school district supervisor ng Department of Education Taguig City-Pateros.
Kabilang sa inireklamo ang serious dishonesty, grave misconduct, grave abuse of authority, paglabag sa reasonable office rules, at regulations and conduct prejudicial to the best interest of the service laban sa opsiyal.
Nag-ugat ang reklamo dahil sa isang kautusan ni Sison na kanyang inilabas sa mga prinsipal na mag-remit ng tig-50 sentimo ang bawat estudyante ng paaralan na nasa ilalim ng kanyang distrito para umano’y magamit sa pagpapaayos ng kanyang tanggapan, personal supplies at representation allowance kung dumadalo siya sa mga pulong.
Inakusahan rin ng mga complainant ang akusado ng ‘pamimilit’ sa mga school prinsipal na i-remit ang nasabing nakolektang halaga tuwing katapusan ng bawat buwan.
Sinabi rin ng mga complainant na ang school financial report na requirement para sa liquidation ng monthly Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) na isinusumite ng mga punong guro sa Division Office ay iniipit umano ng respondent maliban na lamang kung makapag-remit ang prinsipal ng kaukulang halaga na katumbas ng bilang ng mga estudyante sa bawat paaralan.
Nabatid na mayroong halos 40,000 estudyante sa naturang distrito lamang at ang pera ay kinukuha mula sa canteen funds at school funds.Sa alegasyon ng mga complainant, tinatayang aabot sa P40,000 hanggang P100,000 ang umano’y nakolekta ng respondent mula sa mga paaralan kabilang na ang benta para sa kanyang personal items na ipinagbibili sa loob ng mga kantina ng mga paaralan.
The post Opisyal ng DepEd nanghiging P.50 sentimo sa bawat mag-aaral, kinasuhan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: