Facebook

P2.08 milyon shabu buking nakapaloob sa donasyong walis sa Davao City-BJMP

DAVAO CITY – Nabuking ng mga kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod na ito ang 26 pakete ng shabu na isinilid sa mga walis na donasyon para sa Davao City Jail male dormitory.
Nabatid na Disyembre 19 pa natanggap ang mga donasyong walis mula sa isang religious group, na hindi na muna pinangalanan habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon dito.
Ayon sa BJMP, nakatago lang ang mga walis sa stockroom ng matagal at nadiskubre lamang ang iligal na droga nang magsagawa sila ng final inspection bago sana ibigay sa mga inmate ang mga walis.
Tinatayang aabot sa P2.08 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam.
Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang mga nag-donate ng walis na may palamang droga.
Nai-turnover na ang mga kontrabando sa Philippine National Police crime laboratory.
Noong bisperas ng Pasko, nakadiskubre rin ng P1.8 milyon na halaga ng shabu na nakalagay naman sa mga pakete ng noodles. Donasyon din ito ng mga nagpakilalang miyembro umano ng religious organization.

The post P2.08 milyon shabu buking nakapaloob sa donasyong walis sa Davao City-BJMP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P2.08 milyon shabu buking nakapaloob sa donasyong walis sa Davao City-BJMP P2.08 milyon shabu buking nakapaloob sa donasyong walis sa Davao City-BJMP Reviewed by misfitgympal on Pebrero 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.