AGAD nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga nangholdap sa 7-11 convenience store sa Loyala Heights Branch nang mismong ama nito ang nagsumbong sa pulisya kungsaan ito matatagpuan noong Lunes (Pebrero 1) sa Parañaque City.
Kinilala ang naaresto na si Larvi Santos, 25 anyos, isang hauling and truck service agent, ng Domoz Marie Compound, Ruhale St., Brgy Calzada Tipaz, Taguig City.
Ayon sa ulat, 4:00 ng hapon ng Pebrero 1 nang madakip si Santos sa Parañaque City.
Matatandaan noong (Enero 30, 2021) araw ng Sabado, 11:15 ng gabi nang pasukin ng dalawang lalaki ang 7-11 convenience store sa Esteban Abada St., Brgy Loyola Height.
Nagpanggap na kustomer ang mga holdaper at kunwari ay nagpapa-load sa G-Cash, subalit nang pagdating sa counter ng crew cashier para mag-load ay naglabas ng baril ang dalawa at nagdeklara ng holdap.
Pilit na kinuha ng mga holdaper ang cellphone ng isa sa mga crew at bago tumakas ay binaril nila ang wall glass ng store saka sumakay sa isang itim na Mio motorcycle.
Agad naman na ipinagbigay-alam ng mga crew na sina Nikko Gutierrez, 23; Angeline Modem, 28; at Petty Officer 3 Joseph Manzano, isang Philippine Navy Reservist, ang pangyayari sa pulisya na siyang nagsagawa ng imbestigasyon at follow-up operation para madakip ang isa sa mga holdaper.
Sa kasalukuyan, hinahanap ng mga otoridad ang kasama ni Santos na hindi muna pinangalanan.
Nakapiit na si Santos at nahaharap sa kasong Robbery with Attempted Homicide at dalawang bilang ng Grave Threats. (Ernie dela Cruz/Boy Celario)
The post Holdaper ng 7-Eleven ipinahuli ng ama appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: