Facebook

12-anyos babae binuhusan ng kumukulong tubig, inginudngod pa ang mukha sa abo ng amain

PINALIGUAN ng kumukulong tubig ang 12-anyos na batang babae ng kanyang stepdad at inginudngod ang mukha sa abuhan ng kanilang lutuan nang hindi magustuhan ng huli ang inihaing ulam ng bata sa Cebu.
Nilalapatan ngayon ng lunas sa ospital ang bata na nagtamo ng paso sa mukha at mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Nadakip naman ang amain nito na si Rey Quisio, 35, padyak driver at residente ng Barangay Liong sa bayan ng Dumanjug, Cebu.
Ayon kay Police Corporal Leslie Lañojan, Women and Children Protection Desk -Dumanjug Police, umuwing lasing ang amain sa bahay at naghanap ito ng pagkain.
Hinainan naman ng bata ang amain ng nilutong ulam na gulay at bahaw na kanin, subalit nagalit ang amain dahil ang gusto nitong ulam ay adobong baboy.
Sa inis ng amain inihagis nito ang mga plato sa bata at iningudngod pa ang mukha sa kanilang lutuan. Hindi pa nakuntento ay kinuha nito ang pinakuluang tubig at isinabog sa mukha ng bata.
Kaagad dinala sa ospital ang bata. Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang amain at nahaharap sa patong-patong na kaso.

The post 12-anyos babae binuhusan ng kumukulong tubig, inginudngod pa ang mukha sa abo ng amain appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
12-anyos babae binuhusan ng kumukulong tubig, inginudngod pa ang mukha sa abo ng amain 12-anyos babae binuhusan ng kumukulong tubig, inginudngod pa ang mukha sa abo ng amain Reviewed by misfitgympal on Pebrero 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.