Facebook

LIBRENG COVID-19 TEST SA MGA ESTUDYANTENG MAGPE-FACE-TO-FACE CLASS -ISKO

NASA drawing table na ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng free COVID-19 tests sa mga estudyanteng a-attend ng face-to-face classes.

Ito ay base na rin kay Manila Mayor Isko Moreno na nagsabi rin na may tatlong RT-PCR machines at dalawang laboratoryo na kayang mag-handle ng demand para sa swab tests.

Sinabi pa ng alkalde na maaari silang mag-alok ng regular na pagsusuri para magkaroon ng kapanatagan ng loob ang lahat.

At dahil libre ito, hindi na makadagdag pa sa gastusin ng mga mag-aaral, ayon pa kay Moreno.

“We can offer regularly para magkaroon sila ng peace of mind. We can submit them to swab testing and it can be available for free so as not to add cost to the students,” sabi pa nito.

Noong Miyerkoles, inaprubahan ng lokal na pamahalaan ang panukala ng University of Santo Tomas (UST) na magdaos ng limitadong face-to-face classes para sa kanilang medical at allied health programs.

Inaprubahan na rin ang limitadong face-to-face classes sa University of the Philippines-Manila, Our Lady of Fatima University-Valenzuela, at Ateneo de Manila University. (ANDI GARCIA)

The post LIBRENG COVID-19 TEST SA MGA ESTUDYANTENG MAGPE-FACE-TO-FACE CLASS -ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LIBRENG COVID-19 TEST SA MGA ESTUDYANTENG MAGPE-FACE-TO-FACE CLASS -ISKO LIBRENG COVID-19 TEST SA MGA ESTUDYANTENG MAGPE-FACE-TO-FACE CLASS -ISKO Reviewed by misfitgympal on Pebrero 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.