BINAWIAN ng buhay ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) nang barilin sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Corporal (CPL) Norodin Bandala Salendab, nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company sa Maguindanao Police Provincial Office, at residente ng Purok 5 Barangay Sinakulay, President Quirino, Sultan Kudarat.
Ayon sa report, nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa Purok 6, Brgy. Sinalukay nang dumaan ang isang pick-up at pinagbabaril ito ng mga sakay gamit ang M16 Armalite rifles.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Tacurong City.
Patay kaagad si CPL Salendab na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng President Quirino PNP sa krimen.
The post Parak todas sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: