INILABAS na ng Malakanyang ang listahan ng mga bibigyang prayoridad sa bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay batay sa naaprubahan ng Interim National Immunization Technical Advisory Group.
Nasa unang listahan ang mga frontline workers sa mga national at local, private at public health facilities, health professionals at non-professionals gaya ng mga estudyante, nursing aides, janitors, barangay health workers at iba pa.
Nasa ikalawang prayoridad naman ang mga senior citizens na edad ng 60-anyos pataas, may mga malalang sakit na hindi kasama sa mga unang nabanggit na kategorya.
Pasok din sa listahan ang mga frontline personnel sa mga essential sectors tulad ng uniformed personnel at sa working sectors na tinukoy ng Inter-Agency Task Force (IATF) na essential noong panahon na may enhanced community quarantine (ECQ).
Kasama rin sa prayoridad ang mga mahihirap na indigent na hindi nakasama sa mga naunang kategorya, mga guro at social workers, iba pang government workers at iba pang essential workers.
Bibigyang prayoridad ang mga nasa socio-demographic groups na may mataas na panganib o significantly higher risk liban sa mga lolo at lola at mga indigenous people, overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang mga workforce.
“Tungkol naman sa alokasyon sa first tranche ng Pfizer BioNTech Covid-19, ito po ‘yung sinong makakakuha noong unang darating na Pfizer. Ito ay para sa lahat ng health workers. Pero ito ‘yung allocation framework: Unahin ‘yung COVID dedicated hospitals, COVID referral hospitals, other DOH hospitals, LGU hospitals, hospitals for uniformed services/personnel, at mga pribadong mga ospital,” ani Sec. Roque. (Vanz Fernandez)
The post Priority list sa COVID-19 vaccination inilabas ng Palasyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: