Facebook

Mananatili pa rin ang depektibong sistema ng party-list

INANUNSIYO ng tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na si James Jimenez na magkakaroon ng pagbabago sa halalan ng party – list.

Ang pagbabago ay tungkol sa “deadline” ng paghahain ng “Petitions for Registration and Manifestation of Intent to Participate” na itinakda sa Marso 31 ng kasalukuyang taon.
Ito rin ang ibinigay ng Comelec na huling araw ng paghahain ng nasabing petisyon sa mga party – list na kasapi ngayon ng Kamara de Representantes.

Kasama rin sa paglilinaw sa alintuntunin ay ang mga nominee at alternate – nominee, kasama na kapag mayroong umatras sa kanila, o may namatay.

Syempre, mahalaga ito para sa Comelec.

Ngunit, tiyak na hindi ito ang hinahangad ng mga taong nakikibaka upang mabago ang sistema ng party – list ng ating bansa.

Tiyak ako na ang gusto nilang mangyari ay totoong partido ng marginalized sectors.

Kapag sinabing totoo, iyong partido ng mga manggagawa ay dapat tunay at tapat na naglilingkod at nakikibaka para sa interes, kagalingan at kinabukasan ng buhay ng uring manggagawa.

Hindi iyong nagpapakilalang lider – manggagawa mula sa party – list ng manggagawa, ngunit ang asawa ay tradisyonal na politiko at kasapakat at katuwang ng mga tradisyonal na politiko sa Kamara sa pagsusulong ng mga kontra – mamamayang panukalang batas.

Pokaragat na ‘yan!

Kung Partido ng mga overseas Filipino worker (OFW), dapat tunay, tapat at masigasig sa pagiging mambabatas ng nasabing kategorya ng mga manggagawa.

Hindi iyong boksingero, tapos hindi pa mabilis lumaban para sa interes, kagalingan at buhay ng mga OFW.

Pokaragat na ‘yan!

Kung partido naman ng mga magsasaka, hindi dapat milyonaryo, o abogado, kundi totoong nagmula, nabuhay at naghirap bilang magsasaka upang tunay ang pagsisilbi sa kanyang sektor.

Kung partido naman ng mahihirap, hindi iyong bilyonaryo ang kinatawan.

Tama!

At syempre dapat ay kinatawan talaga ng mga marginalized sector – hindi iyong kung anu-anong gawa-gawang sektor tulad ng lalawigan, rehiyon, o asosasyon ng mga negosyante.

Syempre!

Sa ginawa ng Comelec ay siguradong mananatiling depektibo ang sistema ng party – list sa ating bansa.

The post Mananatili pa rin ang depektibong sistema ng party-list appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mananatili pa rin ang depektibong sistema ng party-list Mananatili pa rin ang depektibong sistema ng party-list Reviewed by misfitgympal on Pebrero 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.