TILA nabunutan na ng tinik ang mga motoristang nagyayao’t parito sa siyudad ng Pasay.
Ang dating kasing bulok at korap ng sistema sa mga namamahala sa daloy ng trapiko sa nasabing lungsod ay “a thing of the past” na!
Maayos na ito at makatao. Di na uso ang “under the table dealings” gaya ng dati.
Binabati natin ang namumuno ngayon sa pangangasiwa ng trapiko sa Pasay na si PRINCE CALIXTO, pamangkin nina Mayora Emi Calixto-Rubiano
at Congressman Antonino Calixto.
Magmula kasi nang maluklok bilang hepe ng Pasay City Traffic and Parking Office si Boss Prince, nawala na talaga ang kabalbalan ng mga tiwaling traffic enforcers.
Gone are the days na marami ang nagrereklamong motorista dahil sa kotong.
Naiayos na rin ang mga dating garapal at naghambalang ng mga iligal na terminal ng tricycles, jeepneys, bus na pangunahing pinagmumulan ng intelihensiya ng marami sa mga opisyal mula barangay hanggang sa mga maimpluwensiyang opisyal ng city hall.
Dati kasi, kung sinu-sinong Herodes ang nagmimintina ng mga iligal na terminal. Di na ito uubra sa ngayon sa ilalim ng liderato ni PRINCE CALIXTO.
Pagsagabal at perwisyo sa daloy ng trapiko ay tablado!
Di na rin puwede ang mga siga-sigang barangay officials na pati ang parking at terminal ay ginagawang palabigasan at negosyo.
May arboran pa din sa pagitan ng mga G to G o yaong mga kapwa opisyal ng gobyerno ngunit above board ito at sadya inaayos at hindi talagang pera-pera ang laban.
Natural kasing kulturang Pinoy ang “arboran” at laway lang ang kapalit.
Pagdating sa mga illegally parked vehicles, tino-towing din ito alinsunod sa reklamo at request ng mga barangay officials lalo na kung nakakaperwisyo sa maayos na daloy ng trapiko at sagabal sa daluyan ng mga sasakyan na nagdudulot ng pagsisikip lalo na sa makikitid ng kalye at iskinita.
Pero ang ‘approach’ po ay makatao at di Gestapo style.
Papakiusapan muna ang may-ari ng sasakyan na alisin ito dahil nakakasagabal.
Kung nasa manibela naman ang driver ng isang sasakyan na hahatakin, ito ay pinaaalis na lamang.
Doon naman sa mga habitual offenders o matitigas ang ulo,talagang tinutuluyan ang mga ito at hinahatak.
Ang penalty ay pinababayaran at may resibo talagang ipinagkakaloob kung kaya’t nakakasiguro ang taong bayan na sa kaban ng siyudad napupunta ang pera.
Talagang kahanga-hanga ang naging transformation ng Pasay Traffic mula sa magulo, kawalang sistema at korap na pamamalakad ay naging maayos , sistematiko at parehas itong ipinatutupad sa lahat ng pagkakataon ng walang kinikilingan.
Papuri at paggalang din po ang ipinaaabot ng inyong lingkod sa mga kasapi at opisyales ng Pasay City Traffic sa pangunguna ng hepe nito na si Boss Prince.
Sadyang nasa lider lang talaga ang susi para sa isang maayos na pamamalakad.
Dahil ang mga tagasunod na dating nasanay sa lihis na daan ay nakukuhang itama at iwasto. Mabuhay ka Boss Prince.
Ibinalik mo ang dignidad ng bawat Pasay City servants sa ipinakikita mong maganda ehemplo sa publiko.
May your tribe increased Boss Prince!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post May sistema na rin sa wakas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: