Facebook

PUBLIKO INANYAYAHAN NI ISKO NA BISITAHIN ANG ‘MayniLOVE’

INANYAYAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na bisitahin ang bagong bukas na ‘MayniLove’, na matatagpuan sa Mehan Garden, malapit sa Manila City Hall.

Ayon kay Moreno, bukas ang naturang open-air venue sa publiko araw-araw hanggang sa Pebrero 15 at libre lamang ang admission dito, bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Nitong Lunes ng gabi, Pebrero 1, ay inilunsad ni Moreno, kasama si Vice Mayor Honey Lacuna ang naturang Valentine offering ng lokal na pamahalaan para sa mga Manilenyo.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan rin nina Project Head Business Permit and Licensing Office chief, Levi Facundo, City Engineer Armand Andres at Department of Tourism, Culture and the Arts in Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo.

Sinabi ng alkalde na layunin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang mga maliliiit na negosyante na makabangon mula sa epekto ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We’re trying to do our best to generate sales, to generate businesses, so that we can protect whatever is left with regard to jobs or create more jobs.

Whether it is temporary or permanent opportunity for every Manileño, we will do so,” pahayag pa ng alkalde.

Sinabi naman ni Lacuna na ang venue ay hindi lamang para sa mga romantically involved o mga mag-asawa at magkasintahan o nagliligawan pa lang, dahil maaari rin itong i-enjoy ng buong pamilya, magkakaibigan at magkakasama sa trabaho.

Nabatid na makikita sa Mehan Garden ang 35 booths na nag-aalok ng candlelight dining experience, na may piyanista pa at violinist, scented candles, photobooth, at bulaklak.

“In our own little way, with the help of our vice mayor, Vice Mayor Honey Lacuna, the members of the city council, and the department heads, and sa ating mga kasamahan manggagawa ng pamahalaang lungsod, magtutulong-tulong kami upang mapalakas ang negosyo, upang mabuhay ang negosyo, upang mamaintain ang negosyo,” ayon pa kay Moreno.

“Pagdamutan ninyo ang munting alay namin ni Vice Mayor Honey Lacuna as an option to celebrate love, care and show them to someone special in your life like your partners. Enjoy this, it is yours…. spread love, not hate,” aniya pa.

Nabatid na aabot sa 200 trabaho ang nalikha sa MayniLove event at bukas ito mula 4:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi, mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 15. (ANDI GARCIA)

The post PUBLIKO INANYAYAHAN NI ISKO NA BISITAHIN ANG ‘MayniLOVE’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PUBLIKO INANYAYAHAN NI ISKO NA BISITAHIN ANG ‘MayniLOVE’ PUBLIKO INANYAYAHAN NI ISKO NA BISITAHIN ANG ‘MayniLOVE’ Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.