Facebook

MANILA CATHEDRAL INALOK NA GAWING VACCINATION SITE

INALOK ni Manila Archdiocese apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo ang Manila Cathedral sa Intramuros, Manila upang maging isa sa mga COVID-19 vaccination sites ng Manila City government.

Sa pulong na isinagawa sa pagitan nina Pabillo at Manila Mayor Isko Moreno, kahapon, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, Fr. Marthy Marcelo, ar Fr. Jun Abogado sa Pope Francis Hall ng Manila Cathedral, nagpahayag rin ang mga lider ng simbahan ng suporta sa vaccination plan ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Pabillo kay Moreno na ang Manila Cathedral ay maaaring gamiting vaccination site ng lokal na pamahalaan mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon tuwing weekdays.

Pinasalamatan naman ng alkalde si Pabillo at mga lider ng simbahan dahil dito.

“We thank Bishop Pabillo and the leaders of the Church for offering us the cathedral as a vaccination site. Napakahalaga nito because we need inoculation spaces,” sabi ng alkalde.

“Meron na ang Maynila, pero it’s good to have more options so we can ensure the efficiency of the process and the convenience of the people,” aniya pa.
Sa ngayon aniya ay isasama na ng lokal na pamahalaan ang Manila Cathedral sa vaccination roadmap ng lungsod.

Ayon dito, “mag-re-redesign kami ngayon ng aming mga plano para mas maraming ma-vaccinate sa lalong madaling panahon.”

Sa sandali aniyang matanggap na ng Manila City government ang mga COVID-19 vaccines na inaprubahan at inawtorisa ng Philippine national government, uunahing nilang bakunahan ang mga medical frontliners sa loob lamang ng tatlong araw.

Kaagad rin aniyang isusunod ang iba pang priority groups, gaya ng mga senior citizens at iba pang kabilang sa vulnerable sectors, gaya ng mga informal settler families (ISFs).

Samantala, pinuri rin naman ni Pabillo ang vaccination plan ng city government, lalo na at iniaalok ng lokal na pamahalaan ng libre ang bakuna para sa mga residente.

“Ako’y humahanga rin na may plano na ang city para magbigay ng vaccination na libre sa mga taga-Maynila. Ito po ay isang magandang development at makakaasa po tayo dito,” pahayag pa ni Pabillo.

Hinikayat rin niya ang mga Manilenyo na huwag matakot na magpabakuna dahil malaking tulong aniya ito upang makaiwas sa matinding epekto ng COVID-19.

“Sana po ang mga tao ay huwag po matakot sa vaccination, sa vaccine, dahil ito ay makakatulong po sa atin upang makaiwas po at mapalakas ang ating sarili at hindi tayo masyadong ma-infect ng sakit na ito,” sabi ni Pabillo.

Sinabi pa nito na maaari ring gawing vaccination sites ng Manila City government ang mga Catholic schools.

“Andyan po ang sakit pero maiiwasan natin ito. Magiging malakas ang ating panlaban sa sakit na ito. Salamat po kay mayor sa mga plano niya na magkaroon ng vaccination sa buong lungsod ng Maynila,” ayon sa obispo.

Una nang sinabi ni Moreno na intensiyon ng city government na makapagtayo ng 18 mass vaccination sites na araw-araw na magbibigay ng bakuna.

Target anila nilang makapagbakuna ng hanggang 1,000 katao kada araw sa bawat vaccination sites o 18,000 katao kada araw o 540,000 katao sa loob ng isang buwan. (ANDI GARCIA)

The post MANILA CATHEDRAL INALOK NA GAWING VACCINATION SITE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MANILA CATHEDRAL INALOK NA GAWING VACCINATION SITE MANILA CATHEDRAL INALOK NA GAWING VACCINATION SITE Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.