UMAABOT sa 193 public market vendors, marginal farmers at trisikad drivers na nawalan ng kabuhayan dahil sa patuloy na pandemya sa Gingoog City, Misamis Oriental ang binigyan ng iba’t ibang klase ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go.
Ang distribution activity ay isinagawa sa Gingoog City Comprehensive National High School Covered Court kung saan ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng makakain, food pack, vitamins, medical-grade and reusable masks at face shields. May mga piling beneficiaries ang nakatanggap naman ng bisikleta para sa kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay.
Ang ilan ay binigyan ng tablets upang ang kanilang mga anak ay may magamit sa klase sa ilalim ng blended learning habang may nakatanggap ng mga bagong sapatos.
“‘Yang computer tablets para sa mga estudyante, para sa distance learning nila, mag-aral kayo ng mabuti, ‘yan lang ang puhunan natin sa mundong ito, edukasyon at makapagtapos ng pag-aaral,” ang sabi ni Go.
“Pangalawa, ito ang nagpapasaya sa inyong mga magulang, konsuwelo sa kanila na nagtatrabaho para makapag-aral lang kayo. Pangatlo, kayo ang pag-asa ng bayang ito, kaya mag-aral kayong mabuti,” paalala ng senador sa mga kabataan.
Batid ang dusa na dinaranas ngayon ng mahihirap at vulnerable workers dahil sa pandemya, sinabi ni Sen. Go, chairman ng Senate Committee on Health, na titiyakin niyang mauuna ang mga ito na makatanggap ng COVID-19 vaccine.
Nangako rin siya na aasistehan ang sinomang indigent beneficiary na nangangailangan ng kagyat na medical treatment o serbisyo.
Pinasalamatan ni Sen.Go si Mayor Erick Generales Cañosa at iba pang local officials ng Gingoog City sa kanilang pagsisikap na masugpo ang paglaganap ng COVID-19 sa Lungsod at sa walang kapagurang pagsisilbi sa komunidad.
Ibinalita ng senador na sa kanyang pagsisikap, may inilaang pondo para sa konstruksyon ng multi-purpose building sa Gingoog City na magbebenepisyo sa mga lokal.
“Ngayon, mayroon din tayo diyan na mga proyekto sa Gingoog, ‘yung construction of Multi-Purpose Building… para ‘yan sa inyo,” ani Go.
“Kung ano pa ang maitutulong namin ni Presidente Duterte ay handa kaming tumulong sa inyo dahil tayong magkakapitbahay, tayong mga Bisaya, nandito lang kami lagi. Magdasal kayo palagi,” dagdag ng senador. (PFT Team)
The post Market vendors, marginal farmers, trisikad drivers inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: