Facebook

Talunan

LARAWAN ng matinding kabiguan si Rodrigo Duterte. Para siyang pakastahing baboy, o bulugan, na hindi na tinitigasan. Habang ang ilang bansa ay abala kung paano babakunahan ang kanilang mga mamamayan, wala siyang maibigay sa mga tao na kahit ano maliban sa pangako. Wala pa ang bakunang bayan na kanyang ipinangako ilang buwan ang nakaraan.

Walang pera ang gobyerno upang itustos sa bakuna, ani Duterte sa kanyang pag-amin sa harap ng kamera noong Lunes ng gabi. Sa sumunod na pagkakataon, binago ni Duterte ang kanyang pahayag at sinabing may pera ngunit nakadeposito sa mga bangko.

Nilinaw sa huli ni Sonny Dominguez na pautang ang pera ng World Bank, Asian Development Bank, at Asian Investment and Infrastructure Bank na umaabot sa kabuuan ng $108 million. Tinawag ito na “multilateral package.”

Hindi nalaman ni Duterte kung anong palusot ang sasabihin sa madla. Batid niya na sa ilalim ng kanyang walang direksyon na gobyerno bumagsak ang pambansang ekonomiya. Mahirap kasi tukuran ang pagbagsak na aabot ng -9.5% sa buong 2020. Tinatayang lalampas sa 10 milyon ang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon.

Maigi na sana ang takbo ng ekonomiya, ngunit dumating ang pandemya – ito ang maigting na palusot ni Duterte. Neknek niya, sabi ng ilang netizen. Binalaan siya ng maraming eksperto, ngunit hindi siya nakinig. Masyadong mayabang at palalo si Duterte, anila.

Walang plano, walang programa, at walang istratehiya ang gobyerno sa pandemya. Walang target. Sapagkat bumagsak ang kabuhayan at marami sa mga mahihirap ang walang pagkain sa ibabaw ng hapag, wala siyang magawa. Inutil si Rodrigo Duterte.

Magtiwala kayo sa gobyerno, ani Duterte. Neknek niya, sagot ng maraming netizen. May lider ba na minsan lang sa isang linggo nakikita sa gitna ng kalamidad, pandemya, at sakuna? Walang nakita sa kanya na kasipagan. Totoong batugan si Rodrigo Duterte.

Noong ika-20 ng Enero, sumumpa na bagong pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden at agad na inilatag ang target: 100 milyon bakuna sa loob ng unang 100 araw sa White House. Puspusan ang bakunang bayan ngayon sa Estados Unidos. Nag-aaway ang mga estado sa supply.

Walang awayan sa Filipinas sapagkat wala dumadating na bakuna. Nakakalamang ang mga bansa kung saan ginagawa ang mga bakuna palusot ni Duterte. Neknek niya, sabi ng mga netizen. Hindi siya nakipag-usap sa mga gumagawa ng bakuna. Hindi darating ang bakuna kung walang negosasyon.

Naiinggit siya sa Singapore at Indonesia sapagkat may sariling bakunang bayan ang dalawang kasaping bansa ng ASEAN. Walang sariling bakuna ang Indonesia at umaangkat lamang, ngunit buo ang loob ng liderato ni Widjojo na bakunahan ang kanilang mamamayan.

May bakuna ang Filipinas. Ngunit huwag magkamali. Bumili ang ilang progresibong pribadong kumpanya at GOCC na sariling bakuna upang ibigay sa kanilang mga empleyado. Bumili ang ilang progresibong LGU tulad ng Pasig, Makati, at Maynila ng sariling bakuna upang ibigay sa kanilang mamamayan. Bakuna nila ang binili at hindi sila kasama sa bakunang bayan.

Ipinangako ni Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng bakunang bayan, o mass immunization. Libre iyon at walang gastos ang mga mamamayan maliban sa pamasahe papunta sa mga health center. Hanggang ngayon, bokya si Duterte. Maliban sa dalawang bayag niya, wala siyang maipakita kahit anuman sa Filipinas.

Pawang buntong-hininga ang sagot ni Rodrigo Duterte sa maintinding kabiguan. Sinuma niya ang karanasan ng bansa at wala siyang nasabi kundi: “We’re sinking deeper and deeper.” Ayun, alam pala niya papalubog tayo ng papalubog.

***

Maganda pala ang epekto ng pagtuligsa kay Bise Presidente Leni Robredo tungkol sa kawalan ng puso at damdamin na sumabak sa halalan sa 2022. Hindi namin nais batikusin ang Bise Presidente ngunit binigyan diin namin na kailangan niyang magdesisyon. Tatakbo ba o hindi?

Noong Lunes, may mga lumabas na ulat at larawan na inilunsad ang Leni Robredo Movement for 2022 sa Lucena City. Pinangunahan ang paglulunsad ni Teddy Baguilat Jr., isang dating mambabatas at bise presiu
dente ngayon ng Liberal Party sa internal affairs.

Natutuwa kami sa kilos ng pangkat ni Baguilat bagaman batay sa aming nasagap, malinaw ang tunggalian sa hanay ng oposisyon. Kapag nagpatumpik-tumpik si Leni, kukunin ni Sonny Trillanes, dating senador, ang timon ng puwersang demokratiko. Siya ang lalaban. Tingnan natin kung may malinaw na desisyon si Leni.

Hindi Grace Poe si Sonny Trillanes. Hindi siya nagpipilit. Maalaala na hinati ni Grace Poe ang puwersang demokratiko noong 2016. Ito ang dahilan kung bakit natalo si Mar Roxas. Nagpilit si Grace Poe kahit alam niya na matatalo siya.

***

NAKAKATAWA ang China. Hindi malaman kung paano magpapaliwanag nang pagtatawanan sila dahil sa isang bagon batas ng kanilang Kongreso na nagbibigay poder sa kanilang Navy na paputukan ang mga bangka ng ilang bansa na papasok sa kanilang “teritoryo.”

Una, hindi nila teritoryo ang malaking bahagi ng South China Sea. Nagdesisyon ang Permanent Arbitral Commission ng UNCLOS na nagpapawalang bisa sa pag-angkin ng China sa South China Sea sa ilalim ng Nine-Dash Line. Pinaboran ng Commission ang habla na inihain ng Filipinas. Sa maikli, walang batayan ang batas.

Hindi umano nagbabago ang maritime policy ng China, ayon sa sugo ng China sa Filipinas. Ngunit walang naniniwala sa China. Sa huli, mukhang tanging ang China lamang ang sang-ayon sa kanilang batas. Nakakatawa.

***

MGA PILING SALITA: “The AFP has ceased to be a reliable government arm. Duterte ba naman ang Commander-in-Chief. Asa ka pa?” – Buji Canlas, netizen

“That cabal of criminals called Inferior Davao exists to promote China’s interest in PHL. Rodrigo Duterte and kids Sara, Polong and Baste, Bong Go, Bato, Jose Calida, etc. are all for China. They are China’s lackeys. With the U.S. repivot to Asia, where will these people go? They have their billions of pesos, control of Comelec, and armies of trolls as their strength for the 2022 presidential elections. But their pro-China stand will lead to their political demise. They are the 5th Column of China.” – Ba Ipe, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Talunan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Talunan Talunan Reviewed by misfitgympal on Pebrero 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.