Facebook

Pulis, dinis-armahan nang pumutok ang baril sa loob ng MPD headquarters

NAGULANTANG ang mga kagawad ng Manila Police District nang umalingawngaw ang putok ng baril sa loob mismo ng MPD headquarters nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa MPD-General Assignment Section, aksidenteng pumutok ang baril ni Corporal Rodolfo Fajardo ng MPD-Ancar sa loob ng kanilang opisina bandang 10:15 ng umaga.
Ayon kay MPD Director, Brig.General Leo Francisco, pinadis-armahan na niya si Fajardo habang isinasagawa ang imbestigasyon laban dito.
Sa report, nakaupo ang isang “Aling Lourdes” sa isang upuan na nakalagay sa labas o tapat ng Theft and Robbery Section nang humaging sa kanyang noo ang bala na tumama sa dingding ng MPD-ANCAR sa opisina ng Theft and Robbery Section at nabasag ang mga salamin.
Bibisita lang sana si Aling Lourdes sa kanyang kamag-anak na nakakulong sa Homicide Section nang mangyari ang insidente. (Jocelyn Domenden)

The post Pulis, dinis-armahan nang pumutok ang baril sa loob ng MPD headquarters appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis, dinis-armahan nang pumutok ang baril sa loob ng MPD headquarters Pulis, dinis-armahan nang pumutok ang baril sa loob ng MPD headquarters Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.