Facebook

Mag-utol patay, ama kritikal sa alimango

NASAWI ang magkapatid at kritikal ang kanilang ama sa kinaing “Kuret”, isang uri ng alimango, sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.
Kinilala ang magkapatid na sina Reign Clark, 5; at Michael Craig Cuabo, 2; at ang ama nilang si Eugenio Cuabo Sr., pawang naninirahan sa Barangay Tangatan, Sta. Ana.
Ayon kay Brgy. Chairman Isabelo Cariño ng Tangatan, nakaramdam umano ng panginginig sa katawan ang mga biktima.
Ang ama mismo ang nakakuha sa alimango mula sa kanyang pangingisda sa karagatang sakop din ng nasabing bayan.
Sa report, matagal na umano nilang kinakain ang nasabing alimango.
At 1980 pa ang huling taon nang may maitalang nasawi nang makain ang nasabing alimango.
Samantala, kumuha na ng samples ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa gagawing imbestigasyon sa insidente.

The post Mag-utol patay, ama kritikal sa alimango appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-utol patay, ama kritikal sa alimango Mag-utol patay, ama kritikal sa alimango Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.