NAARESTO na ang tserman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas at miyembro ng New People Army (NPA) na pangunahing salarin sa pagpatay sa dalawang miyembro ng Manono Tribe sa isinagawang operasyon sa Buenavista, Agusan del Sur.
Kinilala ang nadakip na si Rogelio Balansag de Asis alyas “Dhudz”, tserrman ng PAMALAKAYA-Caraga at miyembro ng Regional White Area Committee (RWAC) sa ilalim ng Regional United Front Committee (RUFC).
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, 9:00 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng Regional Intelligence Unit PRO13, Criminal Investigation and Detection Group-Refional Field Unit (CIDG-RFU 13), Buenavista Police Station, at Military Intelligence Group 16 ng AFP sa Purok 2, Barangay Matabao, Buenavista.
Inaresto si De Asis sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 6 (Other Crimes Against humanity) ng Republic Act 9851, Crimes against International Humanitarian Law, Genocides, at iba pang krimen na walang kaukulang piyansang inirekomenda, na ipinalabas ni Judge Edwin M. Malazarte ng 11th Judicial Region, RTC Branch 27, Tandag City, Surigao del Sur.
Sinabi ni Sinas na isa si De Asis sa mga pumatay kina Zaldy Acidillo Ybañez (Zaldy Martinez Ybañez/Domingo) at Datu Bernandino M. Astudillo, mga miyembro ng Manobo tribe at dating miyembro ng NPA sa Sitio Inadan, Brgy. Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur noong March 19, 2020.
Matatandaang sapilitan inilabas ang mga biktima sa kanilang mga bahay at pinagsasaksak ni De Asis sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi noon din. (Mark Obleada)
The post Tserman ng Pamalakaya na pumatay sa 2 Manobo arestado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: