Facebook

Nanlimas sa jewelry shop sa Maynila timbog

NALAGLAG na sa kamay ng mga operatiba ang isa sa mga nangholdap sa isang jewelry shop sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan na nakatangay ng milyong halaga ng alahas at pera.
Kinilala ang naaresto na si Ken Marbella, 45-anyos.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Theft and Robbery Section upang madakip ang dalawa pang kasabwat ni Marbella.
Naaresto si Marbella sa kanyang bahay sa Martinez Compound Paso De Blas, Valenzuela City.
Hindi muna nagbigay ng iba pang impormasyon ang may hawak ng kaso na si CPL Roben Bautista dahil sa nagpapatuloy nag operasyon laban sa mga kasabwat ni Marbella.
Matatandaan na hinoldap ng tatlong lalaki ang Dulo’s Jewelry shop sa may Recto Avenue kanto ng F. Torres, Sta. Cruz, Maynila kung saan natangayan ng mahigit isang milyong cash at alahas ang may-ari nito na Filipino-Chinese na si Dulo Cai.
Nahagip ng CCTV ang panghoholdap ng tatlong kalalakihan, naging daan upang makilala at maaresto ang isa sa mga holdaper.
(Jocelyn Domenden)

The post Nanlimas sa jewelry shop sa Maynila timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nanlimas sa jewelry shop sa Maynila timbog Nanlimas sa jewelry shop sa Maynila timbog Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.