HINDI na muna papayagan ang mga truck at trailer na dumaan sa Nagtahan flyover sa Maynila simula sa Pebrero 20, batay narin sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mananatili naman itong bukas sa light vehicles, base sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito’y dahil sa nakita ng DPWHna ang ilang bitak sa wingwall, concrete pedestal ng steel railings, at circular joint jackets ng flyover.
Dadaan ang nasa kategorya ng ‘heavy vehicles’ sa mga sumusunod na ruta: Southbound heavy vehicles maaaring dumaan sa Earnshaw Street, Legarda Street, Ayala Street, P. Burgos Street patungong Roxas Boulevard.
Ang Northbound heavy vehicles ay maaaring dumaan sa Quirino Avenue patungong Roxas Boulevard; Quirino Avenue Extension patungong United Nations Avenue pa-puntang Roxas Boulevard.
(Jocelyn Domenden)
The post Trucks, trailers bawal muna sa Nagtahan flyover appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: