Facebook

Lolo na bumaril sa kanyang mga kapitbahay sa Las Piñas City sumuko

NASA kustodiya na ng Las Piñas City Police ang 71-anyos na lolo na namaril sa mga nakaalitang kapitbahay sa isang private subdivision sa lungsod matapos sumuko mahigit isang araw pagkatapos ng insidente.
Ayon kay Las Piñas City Police chief, Col. Rodel Pastor, nahanap ng kanilang tracker team si Ernesto “Mang Boy” Francisco, 71 anyos, kasama ng mga kamag-anak sa Tagaytay City, Cavite nitong Huwebes ng hapon.
Ani Pastor, nakumbinse si Francisco na sumuko para sa kaligtasan ng mga pinuntahan niyang kamag-anak.
Sa report, nagsisisi sa pangyayari si Francisco lalo’t humantong ito sa kaniyang pagkakulong.
Matatandaang tumakas si Francisco sakay ng kanyang SUV pagkabaril sa mga kapitbahay na sina Ricky Dimatulac at Dominic Duclayan sa labas ng bahay ng matanda sa BF Resort Village noong Miyerkules.
Namatay si Dimatulac, habang inoobserbahan pa sa ospital si Duclayan.
Nagmula ang alitan sa pagsita ni Francisco sa lakas ng pagpapaandar ni Duclayan ng motorsiklo nang dumaan sa tapat ng bahay papunta sa tirahan nina Dimatulac.
Sabi ni Pastor, giniit ni Francisco sa pulis na matagal na ni-yang reklamo ang ingay ng mga dumadaang motorsiklo dahil umano sa epekto sa mga apo nito.
Kuwento naman ni Ducla-yan, sinikap niyang humingi ng dispensa kay Francisco pero pinagmumura ito.
Ayon naman sa kaanak ni Dimatulac, ilang beses siyang pinaputukan ni Francisco kahit narinig nilang nagmamakaawa na ito.
Kakasuhan si Francisco ng murder at frustrated murder.
Sinisikap pang marekober ng pulisya ang baril na ginamit ni Francisco, na ayon rito itinapon niya kasabay ng pagtakas.

The post Lolo na bumaril sa kanyang mga kapitbahay sa Las Piñas City sumuko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lolo na bumaril sa kanyang mga kapitbahay sa Las Piñas City sumuko Lolo na bumaril sa kanyang mga kapitbahay sa Las Piñas City sumuko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.