Facebook

Lalaki bulagta sa buy bust

Patay ang isang lalaki nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang napatay na si Abdul Jalilbaute, residente ng 161 Carlos Palanca St, San Miguel, Manila at kasama rin sa Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) ng mga otoridad.
Sa ulat, habang isinasagawa ang operasyon, nabili sa suspek ng nagpanggap na poseur buyer ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang aabot naman sa P40,000 ang halaga.
Ngunit, nang matunugan ni Jalilbaute na pulis ang katransaksiyon, bigla na lamang bumunot ng baril si Jalilbaute at nagpaputok na nagresulta para magkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at ng suspek.
Kaugnay nito, aabot naman sa P80,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa nasabing operasyon.
Samantala, nakumpiska rin sa pinangyarihan ng insidente ang tag-isang medium at small heat sealed transparent plastic sachet ng shabu.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyonhinggil sa insidente.

The post Lalaki bulagta sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki bulagta sa buy bust Lalaki bulagta sa buy bust Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.