Facebook

Retiradong opisyal ng GSIS, lasog sa bundol ng truck

Patay ang isang retiradong opisyal ng Government Service Insurance System (GSIS) nang mabundol ng truck sa Barangay Mercedes, Zamboanga City, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Naomi Ibara Diaz, 67-anyos, residente ng Barangay Culianan, at nagsilbing regional director ng GSIS.
Ayon sa ulat, tumatawid ng daan si Diaz nang mabangga ng isang canter truck, 7:00 ng umaga.
Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

The post Retiradong opisyal ng GSIS, lasog sa bundol ng truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Retiradong opisyal ng GSIS, lasog sa bundol ng truck Retiradong opisyal ng GSIS, lasog sa bundol ng truck Reviewed by misfitgympal on Pebrero 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.