MATATAPOS na naman ang buwan ng Pebrero na walang mangyayaring pagbabakuna kontra Covid-19 sa Pi-lipinas. Mula Disyembre 2019 pa tayong naka-nganga!
Sa tuno ng pananalita nina Presidential Spokesman Harry Roque at vaccine czar Carlito Galvez few days ago, tila wala pang bakuna na darating sa bansa ngayong buwan.
Una nang inanunsyo nina Roque at Galvez at maging ni Pangulong Rody Duterte na bago matapos ang Disyembre 2019 may darating na mga bakuna sa bansa. Pebrero 22, 2021 na ngayon. Wala parin ang bakuna!
Palusot ni Roque, wala nang available na bakuna ng Pfizer, Moderna at AstraZeneca. Inubos na raw ng ma-yayamang bansa. Ngek!
Bakit ang Chile, Nepal, Bangladesh at Zimbabwe na mga mas mahirap pa sa Pilipinas ay nakakuha ng mga nasabing bakuna at nasa kalagitnaan na sila ng vacccinations sa kanilang mga mamamayan.
Tila may gusto lang banggitin na brand ng bakuna si Roque pero ‘di nya masabi. Sa tingin ko ito ay ang kontrobersiyal na Sinovac ng China na noon pa nila iginigiit na siyang iturok sa atin.
Wala namang problema kung Sinovac vaccine. Ito rin naman ang itinurok sa Indonesian Presidente eh. Kailangan lamang siguro na una ring magpaturok ang ating Pangulong Durerte para magkaroon din ng kumpiyansa ang mga Pinoy sa China made vaccine.
Ang bagong rason naman ni Galvez: Kaya natagalan ang pagdating ng mga bakuna ay dahil nag-aalangan daw ang mga vaccine manufacturer na sisihin sila kapag may nangyari sa tinurukan ng bakuna. Kaya kinailangan pang pumanday ng panukala ang kongreso tungkol dito. Kailangan agad itong maipasa para mapirmahan ni Pangulong Rody Duterte para mabentahan na ang Pilipinas ng bakuna.
Natoto na marahil ang vaccine manufacturers sa nangyari sa Dengvaxia, kungsaan dinemanda ng Public Attorney’s Office (PAO) ang gumawa ng Dengvaxia vaccine dahil marami raw batang namatay sa bakunang ito. Hanggang ngayon ay nasa korte pa ang usapin.
***
Dahil mag-isang taon na ngang under community quarantine ang Pilipinas, pinakamahaba sa kasaysayan, at wala paring bakuna, nakasilip na naman ng pang-upak ang mga kritiko ni Pangulong Duterte:
“Almost a year since Pres. Duterte implemented the longest and strictest militarized lockdown, the government has yet to provide a comprehensive mass vacination plan for the Filipino people. This further exposes the government’s lack of pandemic exit plan. Ang daming inutang, wala nama palang ibubuga. Kaya ba this year? Lumalabas na puro drawing at hangin ang pangakong bakuna,” diin ni Gabriela Rep. Arlene Brosas.
Ang Pilipinas ay umuutang uli ng $700 million (P33.9 billion) sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at Asian Development Bank (ADB) para pambili ng bakuna na ipangtuturok sa mga Pinoy sa darating na Marso.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Duterte na umutang ang Pilipinas sa ADB at World Bank pambili ng bakuna. Ang bangko raw ang magbabayad sa vaccine manufacturers.
Nasaan na kaya ang bakunang ito na sinasabi ni Pangulo?
Anyway, may public address tonite si Pangulong Duterte. Pakinggan natin kung ano ang kanyang ibabalita sa madla. Sana may kabuluhan ito…
The post Puros utang wala paring bakuna appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: