NAILIGTAS ang 13-anyos na lalaki na hinostage ng ama nito sa Tandag City, Surigao del Sur, Sabado ng gabi.
Kasama sa mga tumulong para masagip ang binatilyo si Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel.
Ani Pimentel, dating pulis ang nang-hostage at anak ito ng kaniyang dating bodyguard, kaya kilala aniya ang pamilya.
Problema sa pamilya ang sinasabing dahilan ng pangho-hostage.
“Nag-away iyan sila ng asawa niya at ginulpi niya ata ang asawa niya pati ‘yong anak niya. Kaya lumayas ‘yong asawa niya at hinostage niya ngayon ‘yong anak,” sabi ni Pimentel.
“Una, namatay ‘yong isang anak niya, ‘yong babae kasi na-dengue. Tapos siya ang sinisisi ng pamilya at ng buong in-laws niya. Ta’s ngayon, away na naman,” dagdag ng gobernador.
Nakipag-usap kalaunan ang hostage-taker kay Pimentel kaya nai-turn over ang anak sa opisyal.
Agad namang dinala ni Pimentel ang binatilyo sa police station para ibigay sa ina.
Taon 2013 nang mang-hostage din ang suspek ng kapamilya, ani Pimentel.
Tiniyak ng gobernador na babalikan ang hostage taker ngayong Linggo.
The post Teenager hinostage ng amang ex-pulis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: