UMAGA pa lamang ng araw ng Biyernes ay inasikaso na ng abogadong makapagpiyansa ang kliyente niyang retiradong pulis na inakusahang dumukot sa isang CALOOCAN CITY HALL DRIVER noong taong 2019, subalit tila inipit ang mga ito hanggang sa oras sa pagkuha dapat ng release order.., kaya ang retiradong pulis ay sa NAVOTAS CITY DETENTION EXTENSION namalagi at maaaring ngayong araw pa lamang ito pansamantalang makakalaya at yan ay kung walang magiging iba pang sagabal.
Ang kasong kinakaharap ng akusadong si RETIRED POLICE STAFF SERGEANT ROLANDO MORATO, 61 ng CALOOCAN CITY ay serious illegal detention, robbery with connections to Omnibus Election at Kidnapping.., na ang dinukot umano nito ay ang isang driver ng CALOOCAN CITY HALL na si ROMEL SOPERA noong gabi ng May 13, 2019 election.
Lumalabas na ang kaso ay nabinbin sa PROSECUTOR’s OFFICE at nitong January 21, 2021 ay inihain ang kaso sa REGIONAL TRIAL COURT kaya nagkaroon ng warrant of arrest laban sa retiradong pulis na si MORATO.
Sa naturang kaso ay kasamang nakasuhan sina BRGY. TANGOS CHAIRMAN WILFREDO MARIANO at PDP LABAN LAWYER ATTY. RICO DE GUZMAN na kumandidatong CONGRESSMAN noong 2019 election..,, na kalaunan ay kapuwa inabsuwelto ng piskalya dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
Paliwanag ng retiradong pulis na si MORATO na pulitika umano ang dahilan ng mga kasong isinampa at walang katotohanan ang mga alegasyong kidnapping, pagnanakaw at iba pa laban sa kaniya.
Aniya, inarkila lamang umano ang kanyang sasakyan noong 2019 election para maghatid ng mga pagkain ng mga poll watchers sa mga presinto noong nakaraang halalan. Gayunman, habang sila ay naghahatid ng pagkain sa mga presinto ay may nakita umano ang kanyang mga kasamahan na namimili ng boto noon sa BRGY. TANGOS kung kayat ito ay kanilang isinakay sa van upang dalhin sa Barangay.
“Nakaantabay kami, walang abiso ang korte na may warrant na pala na halos isang linggo pa lamang ang nakalipas.
Nakakagulat na biglaan na lang po ako dinampot nang wala man lang pasabi ang korte na may warrant na pala,” pahayag ni MORATO.
Lumalabas na si MORATO ay hinuli nitong nakaraang Huwebes alas-5:00 ng hapon na hindi na umano siya pinosasan pa. Biniro pa ito ng humuli sa kaniya na hinde na raw siya poposasan dahil larolaro lamang naman daw iyon ng mga nasa taas at siya ay ikinulong sa TANZA DETENTION CENTER.
Aniya pa, agad na umasikaso ang kaniyang abogado na nabigla sa sitwasyon dahil wala silang natanggap na order of arrest o warrant of arrest at hinde na rin nila naihabol ang pagbabayad ng bail dahil sarado na ang LANDBANK.
Kinabukasan, Biyernes, alas-8:00 pa lang ng umaga ay naroon na ang abogado upang mag file ng bail at nakahanda na ang mga requirements ni MORATO ngunit ang court o OFFICE OF CLERK OF COURT (OCC) ng NAVOTAS ay humingi pa ng isa pang set ng requirements dahil dalawa raw ang kaso ni MORATO kahit na pareho lang ang mga dokumentong ito at nakasaad naman sa batas na iisa lang ang requirement.
“Alam na natin na pinapatagal lang nila ito. Pumayag din pagtagal ang OCC na tangapin pagkatapos ipilit ng abogado ang alam nilang tamang proseso na naaayon sa batas, pero inabot ito ng lagpas 2pm, oras naman ng cut off ng landbank para makapag-deposito ng pang-pyansa dahil huli na nila nilabas ng court ang order of payment kahit na alam naman ng court ang cut off ng 2pm. Nagtransfer ng funds ang abogado thru bank transfer dahil ayaw na tanggapin ng banko ang cash na dala. Pagkatapos na pagkatapos ng transfer at alas singko na ng hapon ng sabihan ng court na hindi na maveverify ang payment dahil sarado na ang banko,” saad ni MORATO.
Siyempre pa hinde na nagawa ng abogadong mapalabas sa piitan si MORATO dahil walang release order.. na isa itong estratehiya ng korte na binibinbin para sa kulungan magpalipas ng weekend ang sinumang mga akusadong naaaresto.Teka..,, alam.kaya ito ni JUDGE PEDRO DABU hinggil sa istorya ni MORATO o sinadya kaya ng mga opisyal sa loob ng korte?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Retiradong pulis sinadyang mamalagi sa kulungan? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: