PINAGNAKAWAN at pinatay pa ang isang security guard sa Purok Puting Buhangin, Barangay Cotta, Lucena City, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ivy Christian Quizon, guwardiya ng Kandal Security Agency.
Ayon sa ulat, natagpuan ang duguang bangkay ng biktima sa guard house ng binabantayan nito sa ABS Resort 6:00 ng umaga.
Sa report, nawala ang sling bag ni Quizon na naglalaman ng dalawang cellphone gayundin ang kanyang RUSI tricycle at ang service na shotgun.
May nakita rin sa crime site na ilang basyo ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.
The post Sekyu pinagnakawan, pinatay pa! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Sekyu pinagnakawan, pinatay pa!
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 03, 2021
Rating:
Walang komento: