Facebook

Sen. Go umaasang lalagdaan na ni P-Duterte ang Indemnification bill

BAGAMA’T hindi aniya siya makakapagsalita para sa Pangulo, umaasa si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na agad na mapipirmahan ang indemnification bill.

Sinabi ni Go na minadali na ng Senado at Kongreso ang panukala kaya umaasa siyang oras na makarating na ito sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte, malalagdaan agad.

Ipinaliwanag ni Go na hinahanap na rin ng Pangulo ang panukala kaya batid niyang hindi aabutin ng ilang oras pagkatapos niya itong mabasa ay mapipirmahan at magiging ganap nang batas.

Matatandaang minadali ng Senado at Kongreso ang indemnification bill na bahagi ng mga requirements para matuloy na ang pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Dagdag pa ni Go na masyadong mahigpit ang mga drug manufacturer bago ibigay ang suplay ng kailangan ng mga umaasang bansa.

Giit pa ni Go na walang panahon na papatay-patay ngayon ang gobyerno dahil kailangan nang masimulan ang inoculation program.

Samantala, kinumpirma ni Go na magkasama sila ni Pangulong Duterte na sasalubong sa unang batch ng mga darating na bakuna sa bansa mula sa Sinopharm sa Linggo, Pebrero 28. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go umaasang lalagdaan na ni P-Duterte ang Indemnification bill appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go umaasang lalagdaan na ni P-Duterte ang Indemnification bill Sen. Go umaasang lalagdaan na ni P-Duterte ang Indemnification bill Reviewed by misfitgympal on Pebrero 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.