Facebook

‘Pinas handa na sa vaccine rollout: PRRD, Bong Go sasaksihan turnover ceremony ng Sinovac

SINABI ni Senator Christopher “Bong” Go na personal nilang sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ceremony ng unang batch ng Sinovac vaccines na inaasahang darating sa bansa ngayong Linggo, February 28.

Ang unang batch ng Sinovac vaccines, kinabibilagan ng 600,000 doses, ay may nakareserba na para sa military personnel at civilian employees ng Department of National Defense (DND).

“Kami ni Pangulong Durerte po ay sasalubong at magre-receive po ng bakuna mula sa China. Ito po ay donated vaccines,” sabi ni Go.

“Darating na February 28. I think 5:00 p.m. po ay tatanggapin ni Pangulong Duterte.”

“Simple turnover naman po ito dahil kami po ni Pangulo ay nagagalak na meron na pong dumating finally sa February. Umabot po tayo sa February. On the last day po ay darating na po ang bakuna,” anang senador.

“Matagal na natin itong inaantay. Ako, as a legislator, talagang kinukulit ko po. Naawa na ako kina Vaccine Czar Secretary (Carlito) Galvez, Jr. at (Health) Secretary (Francisco) Duque. Halos araw-araw ko silang nire-remind. Sabi ko, ‘sir, inip na po ang ating mahal na Pangulo dahil kailangan na nating mag-umpisang mag-rollout,” idinagdag niya.

Sinabi rin ng senador na ang Veterans Memorial Medical Center ay isa sa tinukoy ng gbyerno bilang isa sa medical institutions na pangungunahan ang vaccine rollout.

“Isa po ito sa na-identify ng gobyerno. Ang Veterans Hospital ang mangunguna at handa na po ang mga doktor at frontliners para simulan ang vaccine rollout once dumating na.”

“I think sila po ang mamumuno sa ituturok po sa sundalo o civilian employees ng DND,” anang mambabatas.

Samantala, muling iginiit ni Go ang pangangailangan ng komprehensibong information dissemination campaign sa bakuna para magkaroon ng kumpiyansa at tiwala ang publiko.

“Importante po dito ang info campaign dahil marami pa pong kababayan natin ang takot pang magpabakuna. Tinatanong ko sila. Iilan lang nagtataas ng kamay.”

“Siguraduhin muna nating safe at epektibo ito at makuha natin ang tiwala ng ordinaryong mamamayang Pilipino. ‘Yun po ang importante sa ngayon. Ine-encourage ko po ang mga kapwa kong Pilipino na magtiwala tayo sa gobyerno dahil itong bakuna, ito po ang susi. ‘Yun ang solusyon,” iginiit ni Go. (PFT Team)

The post ‘Pinas handa na sa vaccine rollout: PRRD, Bong Go sasaksihan turnover ceremony ng Sinovac appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Pinas handa na sa vaccine rollout: PRRD, Bong Go sasaksihan turnover ceremony ng Sinovac ‘Pinas handa na sa vaccine rollout: PRRD, Bong Go sasaksihan turnover ceremony ng Sinovac Reviewed by misfitgympal on Pebrero 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.