Facebook

Winawasak

HUWAG magtaka kung hindi tumakbo ang alinman kay Sara Duterte o Bong Go sa halalang pampanguluhan sa 2022. Huwag magulat kung iwasan ni Rodrigo Duterte ang mga pahayag na labis makiling sa China. Tinutungkab kasi ang makinarya na China sa Filipinas. Winawasak na para hindi makawasak.

Kasama ito sa programa ng Estados Unidos sa Filipinas. Pinapahina ng Estados Unidos ang impluwensiya ng China sa Filipinas. Kilala ng Washington ang mga lider Filipino na kakampi ng China. Neutralization sa kanila ang laro.

Palalakasin ng Estados Unidos ang puwersang demokrasya sa Filipinas. Ayaw pumayag ng Estados Unidos na makialam ang China sa pulitika ng bansa. Hindi papahintulutan ng buhusan ng pondo at suportahan ng China ang mga puwersang kontra demokrasya dito.

Nauna na pinagsabihan si Sara at Bong Go ng mga emisayo ng Amerika na huwag tumakbo sa 2022 dahil kakampi sila sa China. Hindi sila kakampi ng demokrasya ng bansa. Hindi namin alam ang kanilang damdamin. Maaaring magpilit ang alinman sa kanila.

Pinagsabihan si Rodrigo Duterte na tapusin ang kanyang termino sa ika-30 ng Hunyo sa susunod na taon. Alam ng Estados Unidos ang mga nakatagong yaman nakakalat sa buong mundo. Maaaring gamitin sa kanila ang Global Magnitsky Law upang matengga ang mga yaman (frozen asset).

Ganito ag ginawa ni Joe Biden sa mga heneral ng Myanmar dahil ayaw nilang alisin ang batas militar sa kanilang bansa. Ginamit ang batas laban sa kanila.

***

MALALIM ang laro ng Estados Unidos. Matindi at mahusay ang pagkalap ng intelligence info laban sa itinuring na kaaway ng demokrasya. Alam ang galaw ni Duterte at kasamahan. Hindi tayo ganap na iniwan kahit ang kanilang atensyon ay nasa gulo sa Gitnang Silangan.

Inalam ang mga nakatagong yaman ni Duterte at kasamahan sa buong mundo. Sa isang iglap, hindi pakikinabangan ang mga nakatagong yaman. Maaarig ilitin at gamitin sa ibang paraan tulad ng pagbabayad sa mga pamilya ng biktima ng mga EJKs. Ito ang hindi nila napaghaan ni Duterte at kasamahan.

Ang mabagal ay ang puwersang demokratiko sa bansa. Mukhang hindi nag-aaral at hindi naghahanda. Magiing mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa sandaling ituon ng Estados Unidos ang atensyon sa Filipinas. Maaring sa susunod ng ilang linggo. Lubhang abala pa sila sa usapin ng Myanmar at Taiwan.

***

Ano ang paghahanda ng puwersang demokratiko, o kasalukuyang oposisyon, sa 2022? Iyan ang isang bagay na hindi napapagtuunan ng pansin. Kulang sa tikas at tindi. Halos hindi gumagagalaw. Maganda matanong sina Bise Presidente Leni Robredo at iba pa.

Mayroon mga ilang sikat a pangalan sa oposisyon. Ngunit hindi gumagalaw. Magiging mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa sandaling pagtuunan ng pansin ng Estados Unidos ang puwersang maka-China sa Filipinas. Totoong wawasakin sila ni Joe Biden.

Militarista ang pangkat ni Biden. Hindi mga kalapati kundi mga agila pagdating sa usapin ng pagpapalaki ng China sa silangang Asya. Hindi mangingiming gamitin ang puwersang pandigma ng Estados Unidos basta matigil lamang ang China.

***

KASAMA kami sa mga napupuyat sa impeachment trial ni dating pangulong Donald Trump. Hindi namin mapigilan na hindi masaksihan ang mga paliwanag ng mga House manager tungkol sa ginawa ni Trump.

Ipinalabas ni Trump na ninakaw sa kanya ang halalan. Ipinalabas niya na dinaya siya ng labis-labis, ngunit wala naman siyang inilabas na katibayan ng mga pandaraya. Ang nangyari, ayon sa mga manager, ay si Trump ang may gustong nakawin ang halalan kay Joe Biden. Si Trump ang magnanakaw. Siya ang salarin.

Hindi namin alam kung paano kokontrahin ni Trump ang mga malalalim na upak sa kanya. Nang unang pumagitna ang kanyang mga manananggol, nagkalat sila. Marami ang nagsabing mukhang walang mahusay na argumento ang mga abugado ni Trump.

***

GUSTO ng pangkat ni Duterte na bakunahan ang 70 milyon sa 2021,ngunit ang tanong: may istratehiya ba tayo upang mabakunahan sila? Maganda ang sagot ng isang kaibigan sa isyu:

DO WE HAVE A MASS VACCINATION STRATEGY?

They plan to inoculate 60-70 million Filipinos this year. This is to obtain what they termed “herd immunity,” which would protect the 110 million from the pandemic. But do they have a nationwide strategy to do it? This means a viable strategy to attain it.

Inoculation of the 60-70 million people over the next 10 months is no joke. It is a gargantuan task. In the weekly Monday TV appearance, the madman could not give directives. All he could mumble was to include gymnasiums, colisums, or whatever public place for the mass inoculation.

The DoH under the incompetent Francisco Duque is quiet. It has none, it would appear. Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. could only provide statuses of the procurement process of those vaccines which carry at least seven brands. He arlier laid down the policy that frontline health workers would be the first priorioty. Nothing much follows.

The IATF has not given guidelines. Not much could be expected.

This is an issue that could mean availability of public funds. “Walang pera” – this was the oft-repeated sentence of the madman. He could not say much.

The 2021 national budget has P2.5 billion in programmed budget for the mass immunication program. The Bayanihan 2 Act provides a budget of P10 billion but it unprogrammed budget which means subject to availability of funds. The national budget speaks of P70 billion in unprogrammed budget. This means the national government has to raise at least P80 billion to fund the mass immunization program.

The madman said the money is in the banks. They have been obtained as loans from World Bank, ADB and AIIB.

In short, we have none. No mass immunization program means no need for a strategy.
PS: The acquisition of vaccines doses is also subject to our human rights record. Drug firms from the West silently take into consideration the human rights records of acquiring countries.

Wala ng pera at masama ang record sa human rights, paano na?

The post Winawasak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Winawasak Winawasak Reviewed by misfitgympal on Pebrero 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.