Facebook

17-anyos siklista, nagulungan ng truck

NASAWI ang 17-anyos babaeng siklista nang magulungan ng truck sa Maharlika Highway, Tacloban City noong Lunes ng umaga, Marso 15.
Kinilala ang biktima na si Lourine Superable, 17-anyos, estudyante, residente ng Barangay Calinawan, Jaro, Leyte.
Nakilala ang driver ng truck na si Ceasar John Sentino, 29, ng Brgy. San Juan, Sta. Fe, Leyte.
Sa report, nawalan ng balance ang biktima nang madaanan ang isang hump sa Maharlika Highway sa Brgy. 95-A dahilan upang matumba ito at magulungan ng 10-wheeler truck.
Ayon sa driver, sinubukan niyang iwasan ang biktima ngunit natamaan parin ito ng hulihang gulong ng truck.
Nadala pa ang biktima sa Tacloban City Hospital ngunit ‘di na umabot ng buhay.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck.

The post 17-anyos siklista, nagulungan ng truck appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
17-anyos siklista, nagulungan ng truck 17-anyos siklista, nagulungan ng truck Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.