Facebook

4 magpipinsan patay sa lunod

NAUWI sa malagim na trahedya ang sinapit ng apat na kabataang magpipinsan nang malunod habang naliligo sa bahagi ng Almacen River sa Barangay A. Rivera, Hermosa, Bataan.
Kinilala ang mga nalunod na sina AJ Magtanong, AC Magtanong, Gabriel Santos, pawang 11-anyos; at Reynalyn Magtanong, 13, mga residente ng nasabing barangay.
Una rito, nagkaayaan ang magpipinsan na maligo sa ilog hanggang sa matangay sila ng agos at mapadpad sa 10 metrong lalim na tubig.
Sa isinagawang rescue and retrival operation ng pulisya, natagpuang walang buhay ang mga menor de edad. (Rey Velasco)

The post 4 magpipinsan patay sa lunod appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 magpipinsan patay sa lunod 4 magpipinsan patay sa lunod Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.