NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 indibidwal sakay ng nasiraang fishing boat na ginamit para sa paghahatid ng mga bisita sa isang seremonya sa Guian, Eastern Samar.
Kabilang sa na-rescue sina Congressman Maria Fe Abunda ng lone district ng Eastern Samar at Borongan City Mayor Jose Ivan Agda.
Sa ulat, dadalo ang mga bisita sa unveiling ceremony ng historical marker sa Homonhon island kaugnay sa ika-500 anibersaryo ng ‘First Circumnavigation of the World’ nitong Martes.
Ayon sa PCG, nasira ang makina ng FBCA Bencor sa baybayin sa pagitan ng Manicani at Homonhon Island sa Guiuan Martes ng umaga .
Agad namang nag-deploy ng tatlong rubber boats ang PCG upang mailipat ang mga pasahero sa BRP Suluan (MRRV-4406) na nagsilbing maritime security vessel sa nasabing aktibidad.
Nasa maayos namang kalagayan na nakarating sa Homonhon Island ang mga bisita. (Jocelyn Domenden)
The post Fishing boat nasira sa laot: Solon, Mayor, 14 pa nasagip appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: