Facebook

Viral! Pari pinagalitan ang nagpabinyag

DAVAO CITY – Hindi na nagbigay ng kanyang pahayag ang isang pari sa lungsod ng Sto. Tomas, Davao del Norte na nag-viral nang magalit sa mga magulang ng isang bata na kanyang bininyagan.
Una nito, umani ng mga negatibong reaksiyon mula sa netizens ang ginawa ng pari na nakilalang si Rev. Fr. Ben Cañete, kura paroko ng Nuestra Seniora dela Candelaria Parish sa Barangay Mimamon, Sto Tomas.
Sa isang text message, sinabi ni Fr. Cañete na ang nasabing pangyayari ay pagsasailalim lamang sa tamang proseso base sa diocesan curia.
Humingi ito ng tawad sa mga katoliko na nakakita sa nasabing video.
Nanawagan rin ito sa mga tao na pagtibayin pa ang paniniwala sa Diyos at parating magdasal.
Nag-viral ang video na kuha ni May flor Concon Decano na habang nasa kasagsagan ng binyag ay nagalit si Fr Cañete sa mga magulang dahil sa maling posisyon ng bata.
Dahil dito, tinuruan ni Fr. Cañete ang ama ngunit mahigpit umano ang pagkakahawak nito sa ulo ng bata dahilan na umiyak ito.
Hindi narin nagbigay pa ng pahayag ang Archdiocese ng Tagum.

The post Viral! Pari pinagalitan ang nagpabinyag appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Viral! Pari pinagalitan ang nagpabinyag Viral! Pari pinagalitan ang nagpabinyag Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.