Facebook

7 pulis sa ‘tanim-baril’ sinibak

SINIBAK na ni Police Regional Office 10, Director B/Gen Rolandon Anduyan, ang isang opisyal at anim na kasamahang pulis na nasa likod ng viral video na makikita ang ‘tanim-baril’ scheme sa Purok 4, Barangay Batangan, Valencia City, Bukidnon noong Pebrero 20, 2021.
Ito ay matapos pinalaliman pa ni Anduyan ang imbestigayon sa PNP Internal Affairs Service ang pangyayari kungsaan makikita si late Cpl. Benzon Gonzales ng Valencia City Police Station na kumuha ng .38 kalibre na baril at ipinapaputok ng tatlong beses bago iniligay sa gilid ng bangkay ng suspected drug pusher na si Pol Estañol na napaslang dahil nanlaban umano sa mga otoridad.
Inihayag ni Anduyan na dinis-armahan na ang nasabing mga pulis habang naka-report sa Regional Police Holding and Accounting Office (RPHAO) na nakabase sa Camp Alagar sa Cagayan de Oro City.
Hindi na muna pinangalanan ang opisyal at anim na pulis na sinibak sa kanilang mga tungkulin.
Magugunitang unang inamin ng Valencia City Police Station na tauhan nila ang nagpapaputok at nagawa lamang umano ito ni Gonzales dahil sa sobrang inis sa operasyon.
Subalit hindi ito umubra kaya pinasibak ang operating units habang pumasok ang IAS para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa aspetong administratibo.

The post 7 pulis sa ‘tanim-baril’ sinibak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7 pulis sa ‘tanim-baril’ sinibak 7 pulis sa ‘tanim-baril’ sinibak Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.