Facebook

2 holdaper ng bus timbog sa Pasay City

NADAKIP ng mga pulis ang dalawang holdaper na nangholdap sa loob ng isang bus sa Taft Rotunda, harap MRT Station, sa Pasay City nitong Lunes.
Kinilala ang mga nadakip na sina Ramil Abaño ng Navotas City at Alex Sabalon ng Quezon City.
Sa ulat, habang nasa loob ng PUB RRCG Transport Bus ang mga biktimang sina Marlon Navarete Ruiz at Angela Acasio Austria ay bigla silang tinutukan ng patalim nina Abano at Sabalon at kinuha ang kanilang cellphone at pera.
Pero dahil agad nakaresponde ang mga pulis, naabutan ang mga holdaper sa loob ng bus at inaresto. Nakuha sa mga ito ang isang patalim, isang cellphone at cash na P300.(Gaynor Bonilla)

The post 2 holdaper ng bus timbog sa Pasay City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 holdaper ng bus timbog sa Pasay City 2 holdaper ng bus timbog sa Pasay City Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.