Facebook

Nalilito sa curfew kontra Covid-19

NAPAPAILING ako dito sa post ng multi-awarded actor na si Marvin Agustin.

Post niya na trending ngayon sa social media: “Nalilito ako, may curfew sa gabi para daw makaiwas sa Covid-19, pero sa umaga ang daming tao sa labas. Ano ba ang virus… NIGHTSHIFT?”

Kung iisipin… tama si Marvin. Bakit nga naman kailangan pang mag-impose ng curfew sa gabi eh wala naman talagang gumagala sa gabi, tulog ang marami. Ang mga gising lang ay ang mga pang gabing trabahador tulad ng mga sekyu, kargador sa palengke at gumagawa ng pandesal.

Walang mga bata na gumagala sa gabi, tulog sila. Ang mga gising lang ay ang mga adik at masasamang-loob na sinasamantala ang kawalan ng mga tao sa paligid para makapagnakaw o makapangholdap ng mga trabahador na galing o papuntang trabaho.

Ang benepisyo lang sa curfew sa gabi ay mababawasan ang krimen, pero sa covid tingin ko ay wala itong epek.

Pinapatay ng curfew ang mga negosyo sa gabi. Mismo!

Noong Marso 17 hanggang Mayo 31, 2020, ipinatupad ang mahigpit na curfew at lockdown, walang labasan ng bahay ang mga tao, pero hindi naman nalusaw ang virus, patuloy parin ang hawaan.

Kung totoong nalulusaw ang virus in 14 days, dapat in 90 days curfew at lockdown na ito ay zero Covid na ang Pilipinas, right?

Mula Hunyo 1, 2020 medyo niluwagan ang lockdown, tinanggal ang barangay at police checkpoints, pinayagan bumiyahe ang public mass transport in limited capacity, 30 percent lang ang puedeng sakay. Tapos kailangan nang magsuot ng facemask, shield, 1-meter distancing, pati mga motorsiklo nilagyan ng barrier, mga pampublikong sasak-yan nilagyan ng divider na plastik para hindi kuno magkahawaan. Pero hindi naman nawala ang virus, patuloy parin ang hawaan…

That means walang epek itong lockdown, curfew, facemask, shield at distancing, ang kailangan talaga ay bakuna. Bakuna na kokontra sa bagsik ng virus. Mismo!

Ang isa pang nakapagtataka ngayon ay andaming nagsulputang variant ng Covid, may Brazil, may UK, South Africa, at P.3. Lahat ito ay nandito na raw sa Pilipinas. Tsk tsk tsk…

Sa laki ng problemang ito, ang tanging nasabi ng Pangulo ng 16 milyong naghalal sa kanya ay: “Maliit na bagay lang ang Covid. Mas marami tayong dinaanan na mas grabe, mas mahirap.” Yawa!

Eto na nga… balik na naman sa curfew, balak pang mag-lockdown uli, at lalong naghigpit sa pagsuot ng facemask, shield, distancing, pati sa loob ng bahay kailangan nang mag-facemask ang mga tao. Animal!

Halatang disperado na ang gobyerno sa paglaban sa Covid, hindi na alam ang gagawin. Baka mamaya nito pati pagsiping ng mag-asawa ay ipagbawal narin. Araguy…

Gayunpaman, talagang masunurin tayong mga Pinoy, lahat ng ipinagagawa ng gobyerno ay sinusunod natin, kahit inaabuso na ang ating mga karapatan. Pero wala parin… palpak talaga ang mga polisiya at protokol na kanilang ipinatutupad. Kita nyo naman pati silang nagpapatupad ng protocols ay nagkaka-covid, patunay na ‘di epektibo ang mga ideya nilang ipinagagawa sa mamamayan. Mismo!

Sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Thailand, Malaysia, Laos, tila hindi nila pinoproblema ang Covid. Normal lang ang kanilang pamumuhay. Tayo lang sa Pilipinas ang nagkaganito. Hirap! Namumuno sa gobierno ang problema. Mismo!!!

The post Nalilito sa curfew kontra Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nalilito sa curfew kontra Covid-19 Nalilito sa curfew kontra Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.