TIMBOG ang dalawang Nigerian nationals at isang Pinay ng mga elemento ng PNP Anti-Cybercrime Group sa pangloloko at swindling sa isang Filipino sa pamamagitan ng online sa Las Piñas City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Evans Amara Okeke, 26 anyos, Nigerian national; Chidiebere Junior Ezema, 25, Nigerian national; at Judy Ann A. Japitana, 23, Filipino.
Ang biktima ay kinilalang si Ellen Briones, 64, ng 22 Malakas St., Brgy. Pinahan, Quezon City
Sa ulat, inaresto ng PNP Anti Cybercrime Group Cyber Financial Crime Unit (CFCU) ang mga suspek sa Room 3 No. 47 Kasoy St. ,Verdant Acre Subdivision, Las Piñas City.
Ayon sa reklamo ni Briones, nakilala niya si Okeke sa social media gamit ang pangalang Micheal Gerald na nagpakilalang engineer hanggang sa magkaroon sila ng relasyon.
Nanghingi ang suspek ng pera sa biktima at nakatakdang dumating sa bansa upang gumawa ng mall sa San Fernando, La Union.
Nakapagpadala ng pera ang biktima na umabot sa P3.23 million sa pamamagitan ng money transfer sa pangalang Evan Amara Okeke alias Evan
Humingi ng tulong ang biktima sa mga otoridad nang matuklasan na niloloko lamang siya ni Okeke.
Nasa kustodiya na ng CFCU sa PNP Anti-Cybercrime Group Custodial Facility, Camp Crame, Quezon City ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong panloloko. (Mark Obleada)
The post 2 Nigerian at Pinay huli sa swindling appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: